Chapter 4

4.8K 238 229
                                    

Wala pa si Mayor Vincent nang makarating sina Charlie at Kelly sa opisina nito. Sa mayor's office lang sila magpapakasal at si Vincent ang mag-o-officiate ng civil wedding nila.

Mayor Vincent granted Charlie’s request to officiate their wedding after that one of a kind late night talk about marriage. Pagkatapos no’n, agad na nilang inasikaso ang lahat ng kakailanganin nila para maidaos ang kasal ngayong araw. Ginawa nila ang lahat ng ’yon ng pasikreto. Tanging sina Charlie, Vincent, si Dei na executive assistant niya, sina Mr. and Mrs. Valiente na pinakiusapan niyang maging witness sa kasal nila at ilang kinauukulan na nag-asikaso ng mga legal documents lang ang tanging may alam kung ano ang mangyayari sa araw na ito, at lahat sila ay nanatiling tahimik.

“Mr. Valiente, Mrs. Valiente, thank you dahil pumayag po kayong maging witness sa kasal namin ni Kelly,” agad na nagpasalamat si Charlie nang makita niya ang mag-asawa na naghihintay na rin sa loob ng opisina ni Mayor.

Kelly was just there, watching all of them since she wasn’t really familiar with the elder couple. But she was smiling all along.

“Basta para sa ’yo, Montefiore,” Mr. Valiente replied with a beam.

“Is she your wife to be?” Nagulat pa si Kelly nang bigla siyang hilahin ni Mrs. Valiente.

Charlie smiled from ear to ear. “Opo. She is the love of my life at magiging asawa ko na siya in a few minutes.”

She felt butterflies in her stomach again after hearing such words from him.

“Kelly, this is Mrs. Valiente and this is Mr. Valiente. Naging professor ko sila sa college and eventually, mentor sa buhay. Kaya sila ang napili kong maging witness natin,” he introduced them to her with so much respect and joy.

“Nice to meet you, po.”

Mabilis namang bumeso si Mrs. Valiente kay Kelly nang makikipagkamay sana ito sa kaniya. “You are so lovely, hija. I just know bakit ikaw ang gustong-gustong makasama ni Charlie habambuhay,” she remarked with so much adoration. “Bagay na bagay kayong dalawa. You really look good together.”

Hindi naman alam ni Kelly kung paano siya magre-react pero halata ang naging biglaang pagkapal ng blush on niya. Si Charlie naman ay game na game sa pakikipag-usap sa mga witness nila.

“Good day, everyone.” Everyone stopped and focused their attention on Mayor Vincent when he finally arrived. “Pasensya na medyo natagalan ako. Si Tony kasi ayaw akong lubayan,” natatawang saad nito at saka ito pumwesto sa desk niya.

Kelly focused her gaze towards Mayor Vincent. Bata pa ang alkalde at sa pagkakaalam niya, matanda lang ito ng ilang taon kay Charlie. Gwapo rin siya, matangkad, matipuno at mestizo. His stubble beard made him look more mature. Pero higit pa sa pisikal na anyo niya ay ang pagiging napakabuti at napakamaabilidad na public servant. Kahit hindi naman talaga siya nakakasama ni Kelly, alam niyang isa rin siyang maaasahang kaibigan lalo na kay Charlie.

“Sigurado na ba talaga kayong dalawa?” biglang tanong ni Vincent sa dalawa.

“Oo naman, Mayor. Simulan na natin ’to. Hindi na ako makapaghintay, eh,” ganadong tugon ni Charlie.

Si Kelly naman ay ngumiti lang at tumango. Hindi rin niya alam kung tama ba 'tong sitwasyong pinasukan niya. Alam niyang masyado silang mabilis ni Charlie dahil humantong agad sila sa ganito, pero kumbinsido na siya na gusto niyang pakasalan ang gwapong lalakeng katabi niya ngayon. Basta, handa siya sa isang kinabukasang kasama si Charlie, ang lalakeng matagal niyang pilit na iniwasan.

“So, simulan na natin.” Nang sabihin ni Vincent ang mga salitang ’yon ay agad na umayos ang lahat ng taong nasa loob ng opisina. Charlie and Kelly sat down in front of his desk while he started to state the key points of the civil wedding.

Chasing Sanity (Chase Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon