Chapter 48

1.5K 159 11
                                    

Monica gave birth to a healthy baby girl. It was a long and excruciating labor, considering it was her first time. But it was all worth it because the baby was everything they've been waiting for, so Paul named her Monique.

"Charlie, ang cute ni Baby Monique, 'no?" Kelly giggled as she faced Charlie with gleaming eyes and a sweet smile.

Kakauwi lang nilang mag-asawa galing sa ospital kung saan naka-admit pa si Monica at ang bagong silang na sanggol. Bumisita lang sila saglit para alalayan sina Monica at Paul.

Charlie just beamed. Masaya siyang nakikitang masigla at nakangiti ang asawa niya.

"Paano kung sa atin na lang siya, Charlie? Dekwatin natin!" biglang sambit pa ni Kelly habang patuloy pa rin sa pagtawa. Hindi tuloy matukoy kung seryoso ba siya o nagbibiro lang.

Maging si Charlie ay natawa sa narinig niya. Pasimple niyang inilagay ang kamay niya sa balikat ni Kelly habang pinipigilan niyang matawa. "Love, hindi natin pwedeng gawin 'yon. That's kidnapping and it's a criminal offense. We don't want that, do we?" paalala naman niya.

She pouted.

"But hey..." Dumulas ang kamay ni Charlie mula sa balikat ni Kelly papunta sa kamay niya. "Alam mo kung anong pwede nating gawin?" tanong niya habang nakatingin sa kaniya ng malagkit.

She blinked her eyes out of curiousity. "Ano?"

His lips curved into a mischevious grin. "Gumawa rin tayo ng baby natin."

"Ayan ka na naman!" she unexpectedly snapped. Mabilis na nagbago ang facial expression niya. Kung kanina ay nababatid ang excitement at kasiyahan sa mga mata niya, ngayon naman ay napuno ito ng inis. Marahas rin niyang inalis ang kamay ni Charlie mula sa kamay niya.

Naglaho ang ngiti sa mga labi ni Charlie at napalitan iyon ng pagtataka. "Oh, bakit ka nagagalit—?"

"Ewan ko sa 'yo!" she exclaimed, cutting him off. She even walked out from him and hurried upstairs.

He trailed behind her.

"Sawang-sawa na ako sa mga hirit mong 'yan! Puro ka na lang ganiyan!" she exclaimed as she violently twisted their bedroom's doorknob and pushed the door open. She stormed in the room but refused to face him.

"Okay, I get it. Hindi mo nagustuhan ang sinabi ko. I'm sorry," mapagpakumbabang sambit ni Charlie. "Pero, love, hindi mo naman kailangang sumigaw. Kilala mo naman ako, 'di ba? Isang salita mo lang, sinusunod ko naman. There's no need to be angry..."

She faced him with disdain. The exaggerated rising and falling of her chest was surely visible in his eyes. "Pwede iwan mo na lang ako? Sinisira mo ang araw ko, eh!" she spitefully stated.

He could only sigh. "Okay."

Mabilis siyang tinalikuran ni Kelly.

"Again, I'm sorry. Hindi na mauulit," he finally said before he walked towards the door and twisted the doorknob once again. At bago siya tuluyang lumabas sa kwarto ay muli niyang pinagmasdan si Kelly. Nakatalikod ito sa kaniya ngunit ramdam na ramdam niya ang inis o galit pa nga ng asawa niya. Tahimik pa nga siyang bumuntonghininga at umiling bago nagdesisyong lumabas na.

Kelly shut her eyes as soon as she heard the door being slammed behind her. Unti-unti niyang kinuyom ang mga kamao niya dahil hindi naiibsan ang galit na nararamdaman niya. She gritted her teeth and furiously walked towards the bed.

Hindi niya maintindihan kung bakit gano'n na lang ang nararamdaman niya. Parang apoy na tumutupok sa katinuan niya ang galit na umusbong sa kaniya. Hindi tuloy niya namalayang natabig na niya nang pagkalakas-lakas ang alarm clock ni Charlie na nakalagay sa besside table nito na naging dahilan para tumilapon iyon sa sahig.

Chasing Sanity (Chase Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon