Chapter 66

1.4K 122 51
                                    

"Hay naku, Mon! Mamamatay talaga ako dahil d'yan sa baks mo," daing agad ni Paul pagpasok na pagpasok pa lang niya sa kwarto nilang dalawa ni Monica.

Paano ba naman kasi, magdadalawang linggo na si Kelly sa kanila pero kanina lang nila nadiskubre na inaakyat niya ang puno ng mangga doon sa gilid ng daan sa may di kalayuan. Iyon pala ang dahilan kung bakit umuuwi siyang may dalang manggang hilaw.

"Dapat si Charlie ang nakakaranas ng ganitong kunsumisyon, eh!"

Agad na nagbago ang timpla ni Monica nang marinig niyang binanggit ni Paul ang pangalan ni Charlie. Padabog niyang binitawan ang damit na itinutupi, bago niya matalim na tiningnan si Paul. "Huwag mo ngang mabanggit-banggit ang putanginang gagong 'yan! Hindi daw sa kaniya ang baby. O sige sa 'kin na lang. Ako ang nakabuntis kay baks. Ako ang ama. Aakuin ko na lang ang bata tutal walang kwenta, bobo, at gago ang totoong ama niya!" singhal niya.

Paul could only sigh. Talagang hindi kasi nagbabago ang tindi ng galit ng asawa niya sa kaibigan niya at hindi naman niya masisisi 'to.

Biglang tumayo si Monica. "Iche-check ko na nga lang 'yong buntis. Mamaya pinakain na niya ng manggang may cheese powder ang anak natin," wika niya at mabilis na lumabas ng kwarto.

Sinundan siya ni Paul hanggang sa kabilang kwarto kung saan pansamantalang nagse-stay si Kelly.

At laking gulat nila nang ang anak na lang nila na mukhang masarap na ang tulog sa malambot na kama ang tanging nadatnan nila sa loob ng kwarto.

There was no trace of Kelly inside that room and it seemed like she was nowhere to be found.

* * *

"What are you doing here?"

"Ay, diyos ko po!" Halos mapatalon si Kelly sa sobrang gulat nang 'di inaasahang magsalita si Charlie. Mabuti na lang rin at nakontrol niya ang sarili niya sa sandaling 'yon dahil kung hindi ay baka tumilapon kung saan ang hawak niyang mga nakatupi ng damit.

She calmed her nerves down by taking deep breaths before she turned her head to the direction of his voice. She instantly saw him standing by the door. His arms were folded on his chest. And as usual, he had that cold, dark, bored look at her.

Pero syempre, kahit ganoon na lamang kung tingnan siya ng asawa niya ay pinilit pa rin niyang ngumiti kahit kaunti lang; kahit nahihiya siya.

"I said, 'what are you doing here'?" he repeated in a much stern tone.

Her lips parted. "Uhhh... ano... kumukuha lang ako ng extrang damit. Ayoko kasi do'n sa mga damit na binili para sa 'kin ni Monica, eh. Ang jojologs," she said, trying to sound casual.

"Bakit 'di mo na kunin ang lahat ng damit at gamit mo d'yan? Kahit ang mga binili ko pa. Para 'di ka na bumalik pa dito."

Agad na nawala ang ngiti sa mga labi niya. "Bakit? Hihiwalayan mo na ba ako?" malungkot na tanong niya.

He heaved a heavy sigh and pretended to glance at his wristwatch. "I don't have time for this."

Lumunok siya at agad na nagtangkang lapitan ang asawa niya. "Charlie, mag-usap na tayo. Ilang linggo mo na akong 'di pinapansin; ni seen sa mga messages ko, wala. Please, kausapin mo na ako," malambing na pagmamakaawa niya.

"Stay right there," he coldly ordered, preventing her to come nearer. "Mamaya masaktan pa kita tapos ako na naman ang masama."

"Charlie."

"You know what? I'm busy. Umuwi lang naman ako dito dahil may kukunin akong file, hindi para magpaloko sa isang traydor na kagaya mo," masungit na wika ni Charlie sabay humakbang siya para lagpasan siya.

Chasing Sanity (Chase Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon