Chapter 39

1.6K 151 0
                                    

"Kelly, kumusta ang pakiramdam mo? May masakit ba sa 'yo?" a female doctor softly asked as she was getting her vitals.

Walang imik at tulala si Kelly. Sa totoo lang, wala siyang nararamdaman. And she had been like that since she fully regained her consciousness after fainting in that very scene. Tanging ang pagkurap at ang paminsan-minsang pagbaling niya sa mga taong kumakausap sa kaniya ang indikasyon na mukhang nasa maayos kalagayan naman ang pangangatawan niya.

"Kelly," the doctor called when she did not get a response.

She slowly turned her head to the doctor's direction, blinked a few times but remained silent. Tiningnan niya lang ang doktora na para bang hinihintay kung anong sasabihin nito.

"Okay ka lang ba?"

"Huh?"

"Maayos na ba ang pakiramdam mo? May masakit ba sa 'yo?

She paused and exhaled. "Oo, okay lang ako. Walang masakit sa 'kin," mahinahong sagot niya.

"Ang sabi sa 'kin ng asawa mo hindi ka pa raw nakakakain magmula kahapon kasi wala kang gana. Maybe that's the primary reason kung bakit ka nag-faint. Kaya after nito kumain ka na, ha? Kahit kaunti lang."

She just nodded.

"Anyway, lagi ka bang nagpe-faint kapag may times na ganito?"

Sa pagkakatanda niya ay tatlong beses pa lang nangyari iyon sa buong buhay niya. Ang una ay noong makulong siya sa storage room sa law firm. Pangalawa ay nang malaman niya ang tungkol sa deep fake at ang huli naman ay ang 'yong kani-kanina lang.

Marahan siyang umiling.

Tumango-tango ang doktora. "Okay, Kelly. Now may I ask you some personal questions?"

"Ano 'yon?"

"When was your last period?"

Agad na umawang ang bibig niya ngunit hindi siya nakapagsalita dahil tila naging blangko bigla ang isip niya. She began searching for an answer but her own mind couldn't give any. That made her take a deep breath. "Hindi ko matandaan..." she replied truthfully, shutting her eyes out of sudden embarrassment.

"It's alright." The doctor gave her a reassuring smile then she turned a little serious again. "Anyway, since you're married, when was the last time you and your husband had an intercourse?" she asked, trying to sound a little casual.

Her forehead creased instantly.

Tumikhim ang doktora. "Uhm, I need to ask. Tinitingnan ko kasi ang posibilidad na baka buntis ka kaya nararanasan mo ang lahat ng 'to," paliwanag nito.

Her whole world stopped as soon as her mind processed the words being spoken. She felt her heart drop to her stomach.

* * *

"Paul? Anong ginagawa mo dito?" Napatayo ng wala sa oras si Charlie mula sa silyang kinauupuan niya nang bigla niyang makita si Paul na paparating.

"Nabalitaan namin ni Monica ang nangyari. Eh, nagpupumilit na siyang pumunta rito para samahan daw si Kelly pero sabi ko, ako na lang," tugon naman ni Paul nang makarating na siya sa pwesto niya. "Kumusta si Kelly?" nag-aalalang tanong pa nito.

"May malay na. Pero nasa loob pa siya. Chini-check up pa ng doktor." He tried to put on a small, reasurring smile on his lips but it quickly faded away.

"Charlie," Paul suddenly called, tapping the side of his arm. "Eh, ikaw? Okay ka lang?"

He took a really deep breath and stared in his bestfriend's eyes before he bowed his head a little. Nakasimangot siyang umiling-iling. "Kinakabahan ako," pag-amin niya. Muli naman niyang itinuon ang tingin niya kay Paul. "Kinausap kasi ako ng doktor. She told me that there's a possibility that Kelly is pregnant..."

Chasing Sanity (Chase Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon