Chapter 42

1.5K 157 3
                                    

Kagaya ng inasahan nilang lahat, pumabor nga sa kanila ang hatol ng judge.

Natuldukan na nga ang kaso pagkatapos ng ilang buwang proseso. Pananagutan ni Carl Flores ang ginawa niya kahit pa nabawasan ang sintensya at multa niya dahil sa kusang pagsuko niya. Naareglo na rin ang ilan pang sinampahan ng reklamo dahil sa kanilang mapanirang-puri at malisyosong comments online.

Sa wakas, tapos na.

Pero gano'n na lang ba 'yon? Makakalimutan na ba ng lahat ang iskandalo? Matatanggap na ba ng lahat ang nakaraan ni Kelly? Will the world just forget about it and move on?

Even the cold breeze didn't know the answer.

Napahugot tuloy ng napakalalim na hininga si Kelly. Pinakawalan rin niya iyon pagkatapos.

Lumalalim na ang gabi. Napakalamig rin ng hanging dumadampi sa kaniyang balat. Ramdam rin niya ang katahimikan ng paligid habang nakatanaw siya sa mga bituin sa mala-uling na kalangitan.

Nasa balkonahe siya ngayon ng kwarto nila, nagmumuni-muni.

Hindi nga niya maintindihan ang sarili niya.

Today should've been a celebration. Kaninang umaga lumabas ang verdict ng korte. Pero sa halip na magsaya, mas pinili niyang umuwi at manahimik sa bahay habang isa-isang nire-reply-an ang mga messages na natatanggap niya mula sa mga kaibigan niya, kakilala at mga kamag-anak ni Charlie.

And speaking of Charlie, they haven't really talk to each other today. Hindi niya kasi alam kung okay lang silang dalawa pagkatapos ng pag-uusap nila tungkol kay Jack kagabi habang nasa hapag. Hindi naman sila nag-away pero iba ang pakiramdam niya.

Halos magkasama rin sila buong araw at nasa loob lang ng kwarto si Charlie ngayon pero wala talaga. Halos ang tungkol lang sa pagkapanalo sa kaso at sa kung ano na ang mga mangyayari sa pagpabor ng korte sa kanila ang napag-usapan nila. Tahimik rin silang kumain kanina.

Pero siguro, mas mabuti na rin 'yon.

She blinked but refused to turn around when she suddenly heard the balcony door swinging open. Kunwari wala siyang narinig. Kunwari hindi niya napansin.

'Di nagtagal, narinig niya ang pagtikhim ni Charlie.

"Uhh... hindi ka pa ba papasok dito? Malamig. Baka sipunin ka," she suddenly heard him say.

She didn't turn to his direction right away. Nagpalipas muna siya ng ilang segundo bago siya bumaling kay Charlie. Saglit rin muna niya siyang pinagmasdan. He looked calm and relaxed. Maaliwalas na rin ang mukha niya; hindi tulad kagabi na mababatid ang lamig, kaya nginitian na niya ito ng kaunti. "Mayamaya," tipid niyang sagot.

Hindi nagsalita si Charlie kaya muli niyang ibinaling ang buong atensyon sa mga bituin sa kalangitan.

Akala nga niya, pumasok na ulit si Charlie sa kwarto kaya medyo nagulat pa siya nang bigla itong nagsalita mula sa likuran niya. "Kelly, are we okay?" may pag-aalinlangang tanong nito.

Muli siyang bumaling kay Charlie. Kumunot pa nga ng kaunti ang noo niya. She looked at him like she had no idea what was going on.

"I'm sorry about last night." He looked at her apologetically. Inayos pa nga niya ang tindig niya. "I said words that were too irrational and I just know I offended you," he admitted. Mababakas pa nga sa mukha niya ang pagsisisi.

"Huwag mo nang isipin 'yon, Charlie. Naiintindihan ko naman kung bakit nasabi mo 'yon. Kahit ako rin naman kung magseselos malamang masasabi ko 'yon," pagwiwika niya. Hindi pa nga niya napigilan ang sarili niya na matawa ng kaunti nang sambitin niya ang huling pangungusap. She really did recall how she acted and how she spoke whenever she got jealous.

Chasing Sanity (Chase Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon