Chapter 61

1.3K 137 0
                                    

"Are you sure you're okay, love? Iuwi na lang kaya kita?"

Hindi naman talaga masama ang pakiramdam ni Kelly pero nagmumukha siyang may iniindang sakit dahil sa pagkabagabag niya tungkol kay Jack. Bakit pa kasi niya kinausap si Joanna? Kung mas pinili lang sana niyang manahimik na lang at huwag makialam, edi nasa payapa ang isip niya ngayon.

Bumuntonghininga siya. "Charlie, okay lang ako," sambit niya nang idinako niyang muli ang mga mata niya sa asawa. She even smiled at him reassuringly depsite of whatever was going on in her mind.

"Are you really sure?"

"Oo."

"Fine," he finally said, exhaling. "Pero ihahatid ko lang saglit 'tong mga documents na 'to sa isang associate, okay? Then we'll have lunch na."

"Sige."

Bitbit ang ilang folders, lumabas si Charlie sa opisina niya. Inutusan kasi niya ang EA niya kaya siya na lang raw ang maghahatid ng importanteng documents sa isa sa mga associates, gaya ng sinabi niya.

Nang makalabas si Charlie ay hindi na napigilan ni Kelly na magpakawala ng malalim na buntonghininga. Hindi na niya kasi dapat pang iniisip ang tungkol kay Jack dahil malamang ay hindi na siya nito lalapitan dahil pinagbantaan na niya itong magsasampa na siya ng kaso at restraining order bago ito tumakas nang manloob siya sa bahay nilang mag-asawa.

She shook her head and shut her eyes tightly as she said to herself not to overthink.

Kumalma naman siya.

Pero bigla siyang nauhaw kaya minabuti niyang lumabas rin muna sa opisina ni Charlie para uminom ng tubig sa may pantry. Wala kasi siyang makitang tubig o kahit baso man lang sa kung nasaan siya. Iyon ang dahilan kung bakit hindi siya nagdalawang-isip na lumabas mula sa opisina kung saan ligtas siya at walang aalalahanin.

She was casually walking in silence, as no one was around, going to the pantry when someone suddenly grabbed her from behind and forcefully dragged her inside the pantry. Oo, gusto niyang agad na makarating sa pantry pero hindi naman sa ganitong paraan na halos humiwalay na ang kaluluwa niya mula sa katawang lupa niya dahil sa sobrang takot at kaba.

She wanted to scream so bad but she suddenly found herself being pinned by the wall with her mouth being tightly covered by a strong, rough hand. At lalo siyang hindi makagalaw nang makita niya kung sino ang humablot sa kaniya papunta dito.

"Akala mo ba hindi kita nakita kanina?" Jack questioned with his eyes pinned on her. Ang dark ng aura niya at tila may binabalak siyang hindi maganda. "Akala mo ba tapos na tayo, baby?" dagdag pa niya.

Nagpumiglas agad siya mula sa kaniya at ginamit niya ang buong lakas niya para itulak ang dating nobyo palayo sa kaniya. "Lumayo ka nga sa 'kin, Jack," she hissed.

"Bakit naman ako lalayo sa 'yo?"

"Tatawag ako ng security—"

"Tapos ano?" He smirked devilishly. "Malalaman ng lahat, lalo na ng asawa mo kung bakit ako nagkakaganito sa 'yo? Syempre, hindi ako sinungaling na tao kaya sasabihin kong hinalikan mo 'ko tapos pumayag ka pa na iuwi kita sa place ko. I will tell everyone I cheated on Joanna with you, Kelly," pagbabanta niya.

She gritted her teeth and clenched her knuckles. "Baliw..." usal niya.

Napalitan ng nanlolokong ngiti ang ngisi ni Jack. "Gusto ko lang namang sabihing nami-miss na kita, baby ko. No need to make a fuss... until natatakot kang makita tayo ng lalakeng pinakasalan mo dahil sa pera niya," he said, whispering to her.

Hindi siya nakakibo. Hindi kasi niya alam kung tama ba ang sinabi ni Jack. Hindi niya alam kung natatakot nga ba siyang malaman ni Charlie ang lahat ng 'to.

Chasing Sanity (Chase Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon