Chapter 45

1.5K 153 18
                                    

Simula nang araw na 'yon, napansin ni Charlie ang pagiging hindi palakibo at pagiging tahimik ni Kelly.

That made him worry.

Hindi naman kasi sadyang gano'n ang asawa niya.

He wanted to talk to her about the matter but he couldn't find the timing and the courage to do so. He would always end up merely observing her until he had the chance to open up to Vincent about it.

They had a serious conversation about everything that he observed and Vincent gave him some advice.

Pinag-isipan niyang mabuti ang naging pag-uusap nila.

Marahil ay tama nga ang kaibigan niya nang sinabi nito na hindi madali ang pinagdaanan nila nitong mga nakaraang buwan at kahit natuldukan na ang eskandalong iyon dahil naipanalo nila ang lahat ng demandang isinampa nila ay hindi pa ring awtomatikong babalik ang lahat sa dati.

He already moved forward, but Kelly still needs to process everything to be able to move on and she needed time to be able to.

Siguro rin ay parte ang palaging pagiging tahimik ni Kelly sa prosesong iyon.

So he let it go.

"Ano 'yan, love?" he asked with intrigue as he jumped on the bed and noticed that Kelly was too invested on watching something in her phone.

"Tutorial ng mga tamang paraan kung paano magpa-burp ng baby," she replied nonchalantly, not even bothering to gaze at him.

He smiled. "Alam mo napapansin ko na super excited ka sa pagdating ng baby nina Monica. Kung wala lang si Paul, iisipin ko na sa 'yo ang bata," he remarked, chuckling.

"Excited talaga ako, Charlie. Syempre, inaanak ko 'yon, eh." She finally gazed at him with a sweet and genuine smile painted on her face.

"Nai-imagine ko na tuloy kapag ikaw na ang naging mommy. Ang hands on mo rin siguro sa magiging baby natin."

She wasn't expecting him to say those words. Her smile began to slowly fade. Napakurap-kurap siya habang nakatitig kay Charlie na mukhang tuwang-tuwa pa sa nasabi niya kaya pinilit pa rin niyang ngumiti sa kabila ng pagkabiglang naramdaman niya.

"I'm sure na sobrang cute ng magiging baby natin. Of course, ikaw ang mommy niya—the most beautiful person in the world," dagdag pa ni Charlie pagkatapos ay umusog siya palapit sa kaniya. He leaned towards her and gently stamped a kiss on her cheek.

Agad siyang napapikit nang maramdaman niya ang paglapat ng malalambot na labi ni Charlie sa balat niya. Her heart suddenly wanted to burst. Parang naramdaman niya rin na may biglang bumigat at tila bumara sa airway niya kung kaya't parang nahirapan siyang humugot ng hininga.

That quick kiss felt like forever to her and she knew she shouldn't be feeling that.

Alam niyang may mali sa nararamdaman niya.

Yet she held on to what she felt.

"Love, don't you want to try again?"

She heard the words yet she pretended not to understand it. "Try ng ano?" tanong niya.

Hinawakan ni Charlie ang kamay niya at marahang hinimas iyon. "Mag-try na ulit tayong magka-baby. Wala na rin naman tayong pinoproblema, 'di ba? At para may makalaro ang inaanak natin," he replied, teasing her  little.

Napalunok siya. What will she say? Hindi niya alam.

Hindi na rin naman napigilan ni Charlie ang damdamin niya. Nagsimula na niyang dahan-dahang halikan ang kamay ni Kelly.

He was gentle yet it was noticeable that he was hungry for her.

Pero mabilis namang binawi ni Kelly ang kamay niya. "Charlie, 'wag ngayon, please? Pagod na kasi ako, eh. At kailangan may energy ako bukas kasi sasamahan ko pa si Monica sa check up niya. Hindi daw kasi siya masasamahan ni Paul kasi may aasikasuhin siya..." pakiusap at pagdadahilan niya.

Chasing Sanity (Chase Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon