“Sana pala pumayag na lang ako sa gusto ni Mr. Vasquez no'n, 'no, baks?”
Hindi nagdalawang-isip si Monica na bitiwan ang kinakain niyang fried chicken at hilahin ang buhok ni Kelly nang marinig niya ang mga salitang bigla na lamang sinambit ng kaibigan. “Kelly Santiago, magtino ka nga! Anong sana pala pumayag ka na lang sa gusto no'ng Mr. Vasquez na 'yon? Gaga ka! Never ka nang lalapit sa taong 'yon!” bulalas nito.
“Aray! Bakit ka ba nananakit?”
“Eh, gaga ka kasi!”
Walang nagawa si Kelly kundi ang manahimik nang singhalan siyang muli ni Monica.
It's been a month since everything happened.
She sighed. “Eh, bakit kasi ganito, baks?” she suddenly questioned.
“Anong ‘bakit ganito’?” Medyo naguluhan pa si Monica dahil hindi nito alam kung ano ang tinutukoy ng kaibigan.
She blankly stared at her and exhaled. “Bakit kasi 'yong mga masasama pa 'yong umaangat ang buhay? Bakit mas natutupad nila 'yong mga pangarap nila? Bakit lagi nilang nakukuha ang mga gusto nila? Bakit parang mas pinagpapala pa sila ni Rold?” Hindi niya napigilan ang sarili niya na itanong ang lahat ng 'yon.
“Sure ka bang si Rold ang nagpapala sa kanila?”
“Baks, naman eh!” she suddenly exclaimed upon hearing her not-so-serious words.
Tiningnan siya nito sa mata. “Bakit ba? Eh, malay ba natin kung si Rold nga ba talaga ang nagpapala sa kanila. Baka 'yong diyablo pala,” seryosong wika nito sabay subo ng fried chicken.
Monica has a point. She thought.
“Teka, bakit mo naman biglang naisip 'yang mga ganiyang sentiments, ha?”
“Sasabihin ko pa ba, baks?”
Monica raised a brow. “Malamang.”
She stared at her first before she decided to open her mouth again. Tiningnan muna niya kung masasabunutan siya ni Monica, if ever.
She let out a heavy sigh and finally confessed, “Eh, kasi nakita ko sina Jack kanina habang binibili ko 'yang Chicken McDo na request mo.”
“Si Jack?” Monica's eyes widened. “Jack as in Jack Laxamana? 'Yong putangina mong ex?”
“Oo, at saka si Joanna,” she boredly added.
“Shuta!” Monica couldn't help but to cuss. “So, sila pa rin talaga?”
She nodded. “At mukhang magpapakasal na yata sila.”
“Ay, wow nice.” Napasandal si Monica sa inuupuan niya. Uminom pa nga ito ng softdrinks. “Alam mo, okay na rin na silang dalawa na talaga ang magkatuluyan. Isang cheater at isang mang-aagaw. Ang bongga kasi bagay na bagay talaga sila, 'di ba?”
She didn't respond. She remained silent and just kept staring at her. Kaya naman lumiyad si Monica para sampalin siya ng bahagya.
“Ano ba?! Bakit ba? Nananahimik nga ako dito, oh.”
Monica gave her a sharp glare. “Kaya nga sinampal kita kasi nananahimik ka. Kilala kita ah, baks! Alam kong may ibig sabihin 'yang pananahimik mo. Huwag mong sabihin sa 'kin na nalulungkot ka kasi 'yong pinsan mong mang-aagaw ang talagang makakatuluyan ng gago mong ex-boyfriend. Shuta ka!”
“Yuck!” she scoffed and gave her an ugly frown.
“Yuck talaga.”
“Wala pa rin akong ibang nararamdaman sa kanilang dalawa kundi galit, baks. Hinding-hindi ko pa rin nakakalimutan ang lahat ng ginawa nila sa 'kin.” Biglang naging seryoso ngunit may bahid lungkot at poot ang tono niya.
BINABASA MO ANG
Chasing Sanity (Chase Series #1)
RomanceCOMPLETED | R18 | MATURE CONTENT After so many failed attempts of escaping from the unfortunate life she's in, Kelly Santiago already accepted that she was trapped in a living hell. But then, Charlie Montefiore, an elite lawyer with a good reputat...