"Baks, nakasalubong ko si Charlie sa labas. Saan pupunta 'yon?"
"Sa office."
"Nang ganito kaaga?"
"May mga importanteng aayusin daw siya, eh."
Kahit wala pang tulog si Monica, minabuti nitong magpunta sa bahay nina Kelly. Hindi biro at napakaraming nangyari kagabi kaya't gusto niyang damayan ang kaibigan. Nagdala pa nga siya ng pandesal upang may almusalin sila.
"Tungkol ba 'yon sa nangyari kagabi?" tanong pa niya sabay inihapag niya ang mga pandesal sa bar table.
Kelly shrugged without even glancing at her then she took a sip from her cup of coffee.
Dahil naman sa ikinilos ng kaibigan ay mataman niyang pinagmasdan ito. Naisip niya na kanina pa ito tahimik at tipid ang bawat galaw niya. Medyo nakakapanibago. Hindi naman kasi laging ganito si Kelly.
"Baks?"
Doon pa lang siya nito nilingon. "Oh?"
"Ikaw ba siguradong okay lang? Sa totoo lang, mabigat 'yong nangyari sa 'yo kagabi. Kung hindi ka nakapanlaban at nakatakbo, siguradong nagahasa ka. Hindi ka ba na-trauma no'n, baks? Baka na-trauma ka. Baka kailangan mong magpatingin sa psychic—"
Kelly's forehead automatically creased upon hearing the certain word. "Ha?!" she exclaimed a little, cutting Monica off.
Napakamot naman ng ulo si Monica. Alam na alam niyang hindi tama ang salitang nasabi niya. "Basta may 'psy' 'yon, baks. 'Di ko lang maalala 'yong exact word. Gets mo naman ako, 'di ba?" she said, pouting.
"Psychologist?"
"'Yon! Magpatingin ka kaya sa mga gano'n, baks? Kasi siguradong may epekto sa 'yo 'yong nangyari, eh. Sigurado namang maraming kilalang gano'n si Charlie, 'di ba?"
Kelly let out a sigh. Muli niyang pinasadahan ng tingin ang kaibigan. "Hindi na. Hindi naman na kailangan," mahinang tugon niya.
Umupo si Monica sa bar stool na katabi lang niya. Malakas itong nagbuntonghininga. "Shuta kasi 'yong Tony na 'yon, eh. Bakit niya nagawa 'yon? At sa dinamirami talaga ng babae sa mundo, eh, ikaw pa ang talagang binastos niya, ah. Ikaw na asawa ng bestfriend niya. Napakagago! Adik ba 'yon?" she loudly said.
Ibinaba naman ni Kelly ang tingin niya sa kapeng iniinom niya. Medyo lumalamig na nga iyon. "Pero nakita mo ba 'yong mukha ni Tony? Halos basag na 'yong buong mukha niya, baks. Dinala pa yata siya sa ospital," wika niya.
"Deserve niya 'yon."
"Galit na galit si Charlie."
"Natural, baks! Ako nga galit na galit rin. What more pa 'yong asawa mo? Hindi lang naman ikaw ang ginago no'n, eh. Winalang-hiya niya rin 'yong friendship nila."
"Pero hindi sana siya nambugbog ng gano'n. Kung wala lang umawat sa kaniya, siguradong mapapatay niya si Tony. Sana kinausap na lang niya. Siya 'tong laging nagsasabi sa 'kin na idaan sa maayos na pag-uusap ang mga bagay-bagay."
"Baks, ibang usapan naman kasi 'yong nangyari kagabi. Siguro, napangunahan na rin ng galit kaya nabugbog niya si Tony. Pero deserve naman ni Tony 'yon."
Kelly heaved a heavy sigh and gazed at Monica again. "Pero gano'n ba talaga 'yon, baks? Sa isang taon ng pagsasama namin, kagabi ko lang siya nakitang galit na galit. Gano'n ba talaga siyang magalit? Nambubugbog? Nananakit? Nambabasag ng mukha?" she worriedly asked.
Biglang natahimik si Monica.
"Kasi kung gano'n... nakakatakot, baks."
Hindi pa rin ito nakakibo.
BINABASA MO ANG
Chasing Sanity (Chase Series #1)
RomanceCOMPLETED | R18 | MATURE CONTENT After so many failed attempts of escaping from the unfortunate life she's in, Kelly Santiago already accepted that she was trapped in a living hell. But then, Charlie Montefiore, an elite lawyer with a good reputat...