Chapter 34

1.8K 158 0
                                    

Kelly suddenly woke up in oddness. She knows she’s already feeling better. Yet she could clearly sense the numbness somewhere in her existence while still feeling all the emotions from yesterday.

She slowly opened her eyes and took a deep breath.

Medyo madilim pa sa buong paligid. Siguro ay dahil sa mga blackout curtains na nakaharang pa sa mga bintana. Nababalot rin ng katahimikan ang buong kwarto nila. Nakauwi na siya mula sa ospital dahil nakiusap siya sa mga doktor pati na rin sa asawa niya na dito na lang siya sa bahay magpapahinga pagkatapos niyang mag-collapse kahapon. Ayaw pa nga sana ni Charlie na umuwi sila ngunit wala rin itong nagawa kundi ang pagbigyan na lang siya. 

Speaking of Charlie, he was with her all the time yesterday until she fell asleep last night. But he was nowhere to be found now.

Anong oras na ba?

Napaupo siya upang tingnan kung anong oras na. Naisip niya na baka late na pala kaya kinailangan nang pumasok ni Charlie sa opisina. 

6:13 a.m.

She exhaled and stared at the clock for a few seconds.

Nagdesisyon siyang bumangon na sa puntong iyon. Medyo nagugutom na rin kasi siya.

She went to the bathroom to freshen up but ended up taking a warm bath. Nagbihis na rin siya pagkatapos. She wore a plain white tee and a baby pink dolphin shorts. Wala naman kasi siyang gagawin sa araw na ‘to dahil nangako siya kay Charlie, pati na rin kay Paul, na magpapahinga lang siya ngayon at walang ibang aalalahanin. 

Walang ibang aalalahanin… 

She sighed, while she was brushing her wet hair, upon recalling things from yesterday. Iyong video. Hindi pa talaga sila nakakapag-usap ni Charlie tungkol sa bagay na ‘yon. Hindi nga siya sigurado kung dapat pa nilang pag-usapan ‘yon dahil ang sabi naman ni Charlie sa kaniya ay naniniwala ito na hindi siya ang babaeng nasa video. He even said that it was definitely a deep fake and someone just made it for malicious purposes. 

Si Monica pa.

Hindi na sila nakapag-usap pa ng kaibigan dahil maging siya ay kinailangang matingnan ng doktor kahapon. At kahit alam niyang nasa mabuti at maayos na kalagayan na si Monica at ang baby sa sinapupunan nito ay hindi pa rin niya magawang hindi mag-alala. 

Naisip agad niyang kumustahin si Monica.

She opted to call her. Pero bigla na lamang siyang natigilan nang kukunin na sana niya ang cellphone niya.

Saan na nga kasi niya nailagay ang cellphone niya? 

Hindi niya maalala.

She started to look for her phone.

Wala ito sa bedside table kahit doon niya iyon laging nilalagay tuwing matutulog na siya. Wala rin iyon sa coffee table at sofa ng kwarto nila. Kahit nga sa vanity table niya ay hindi niya iyon nahanap. 

Sigurado naman siyang nadala niya iyon sa kwarto nila kahit hindi na niya ito nagamit pa pagkauwi nila mula sa ospital kagabi. Kaya naghanap pa siya.

Hinalughog niya ang lahat ng gamit niya sa kwarto ngunit tila ba ayaw magpakita sa kaniya ng phone dahil hindi niya talaga ito nahanap. 

Saan napunta iyon?

Napakamot na tuloy siya sa sintido niya habang iginagala ang mga mata niya sa buong kwarto.

She paused and started thinking for a moment. 

Parang medyo nahihilo na nga siya dahil sa paghahanap ng cellphone niya.

Chasing Sanity (Chase Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon