They had to rush Monica to the nearest hospital.
Paul and Kelly trailed along as the attending nurses brought Monica into the emergency room. Charlie was just right behind them, too, but he suddenly stopped walking halfway through. He gently grabbed Kelly’s arm and brought her to the side of the hallway.
“Love, what happened? Bakit bigla na lang nangyari ’to?” he softly asked without hesitation, despite all of them being anxious about Monica’s condition.
Kelly focused her damp eyes on him. Her lips parted. She tried to answer him right away but there was no word that came out from her mouth.
At kahit nakatingin ang mga ang mga mata ni Kelly kay Charlie, para bang unti-unti na lang itong lumabo sa paningin niya. She somehow felt that she was being taken to another dimension.
Her mind was suddenly in a total haze.
Para bang nag-flashback sa kaniya ang mga tagpo kanina. Muli niyang nakita kung paano dumaing si Monica na masakit na masakit na ang puson nito. Muli niyang nakita ang dugo na bigla na lamang dumaloy sa mga hita ng pinakamatalik niyang kaibigan. Nanariwa sa kaniya kung paano inalalayan nina Paul at Charlie palabas ng kwarto, pababa ng hagdan, palabas ng bahay at kung paano nila isinakay sa sasakyan si Monica. Muli niyang naramdaman ang kaba at pag-aalala para sa magiging inaanak niyang nasa sinapupunan pa. Lahat ng iyon nangyari dahil lang sa isang video.
That video.
That sex video.
Every clip that she was able to watch in that video started replaying in her mind.
Hindi siya bulag. Mukha niya ang nakita niya sa video na iyon. Ang sarili niya ang napanood niyang sarap na sarap habang nakikipagtalik sa ibang lalake. Pero sigurado rin siyang hindi niya ginawa ang bagay na iyon. Hindi naman siya nakipagtalik sa lalakeng halos kaedad niya. Ni hindi nga niya makilala ang lalakeng kasama niya sa tagpong iyon. At isa pa, kahit kailan hindi siya pumayag na ma-video-han ang intimate acts niya kahit noong may mga sugar daddy pa siya.
Gumulo lang lalo ang isip niya. Sa sobrang dami kasi niyang tanong ay naghalo-halo na ang iba’t ibang bagay sa isip niya.
“Love? Hey, love?”
Bigla siyang hinigop pabalik sa realidad nang marinig niyang muli ang klarong boses ni Charlie.
Ngunit kasabay ng pagbabalik niya sa realidad ay ang biglang panginginig ng mga kalamnan niya pati na rin ang pag-uumapaw ng mga luha mula sa mga mata niya. She suddenly felt how her heart wanted to explode so badly. Her lips started to quiver. Everything became too much for her right at that moment.
“Love, are you okay? Bakit ka umiiyak? God, you’re trembling…”
Sinubukan siyang yakapin ni Charlie sa punto ring iyon ngunit mabilis siyang umilag.
“Love—”
She suddenly cut him off, “Charlie, may video…”
His forehead furrowed a little. “Video? Anong video?” mahinahong tanong niya.
Bigla na lamang humagulgol at napaatras si Kelly nang marinig niya ang tanong na iyon. She began shaking her head in a frantic manner as her eyes were still on him. “Hindi ako ‘yon, Charlie. Hindi ako ‘yon. Maniwala ka sa ‘kin, Hindi ako ‘yon,” mapait na sambit niya.
“Oo, love. Naniniwala ako sa ‘yo. Hindi ikaw ‘yon,” he assured her even though he had no idea what was the video she was talking about. Sinabi niya rin iyon para pakalmahin sana si Kelly dahil ayaw niya muna itong hawakan o yakapin dahil umilag na ito sa kaniya kanina.
BINABASA MO ANG
Chasing Sanity (Chase Series #1)
RomanceCOMPLETED | R18 | MATURE CONTENT After so many failed attempts of escaping from the unfortunate life she's in, Kelly Santiago already accepted that she was trapped in a living hell. But then, Charlie Montefiore, an elite lawyer with a good reputat...