Chapter 3

5.1K 278 274
                                    

Nagising si Kelly nang mabatid niyang maliwanag na. But even though she was awake already, she refused to open her eyes-not just yet. And with her eyes still glued together, she turned her body to the other side of the bed, grabbed a pillow and hugged it tightly. Gusto pa niyang matulog; hindi dahil may hangover siya, kundi dahil ang gaan ng pakiramdam niya.

She was really comfortable. Napakalambot ng kama. Napakasarap yakapin ng unan. Nakagiginhawa ang tamang-tamang pagkabalot ng makapal ngunit malambot na kumot sa katawan niya. Napakabango rin ng bedsheets, ang sarap langhapin ng amoy nito. Kung pwede lang, gusto niyang mahiga na lang sa kamang 'yon habambuhay. Pero alam niyang hindi naman pwede 'yon.

A smile grew on her lips as she slowly opened her eyes. Hindi naman masyadong maliwanag ang paligid kaya't hindi siya nasilaw. Agad siyang bumalikwas at tumitig sa kisame habang nakangiti pa rin kahit hindi niya alam kung bakit. Basta, ang gaan-gaan ng pakiramdam niya.

Pero mabilis ring naglaho ang matamis niyang ngiti nang mapagtanto niyang ang kisameng tinititigan niya ay hindi ang kisameng nakagigisnan niya tuwing gigising siya.

"Shuta..." usal niya dahil sa pagkabigla.

Agad niyang inalis ang kumot na nakabalot sa kaniyang katawan at mabilis na tiningnan kung may saplot pa ba siyang suot. Kinabahan siya ng husto dahil ang unang bagay na pumasok sa isipan niya ay baka kung ano na namang kalokohan ang nagawa niya kasama ang isang lalake dahil sa kalasingan niya kagabi. But thank god, she was still wearing all of her clothes.

Napaupo siya at pinagmasdan niya ang buong paligid. Nasa loob siya ng isang kwarto at nakahiga sa isang kamang pwedeng pandalawahan. Hindi gaanong maliwang sa paligid dahil nakasarado pa ang blackout curtains na kulay dark gray. Light gray naman ang pintura ng buong kwarto at kadalasan sa mga gamit na nandoon ay kulay puti, itim at iba't ibang shades pa ng gray. Napakaayos, napakalinis, monochromatic at minimalistic ng buong kwarto. Halatang lalake ang may-ari ng kwarto kung nasaan siya ngayon.

Napaisip siya. Kaninong kwarto ito at bakit siya nandito? Inisip niyang mabuti ang mga pangyayari kagabi pero wala siyang matandaang pumunta siya sa kwartong ito.

Ang tanging naaalala niya ay si Charlie.

Sakto namang bumukas ang pinto nang maisip niya ang binata.

And it was indeed him.

"Good morning, Kelly," nakangiting bati nito sa kaniya pagpasok nito sa kwarto. May bitbit pa nga itong tray na puno ng pagkain. Inilapag nito ang tray sa isang coffee table na nakapwesto malapit sa kama.

Sinundan lamang siya ng tingin ni Kelly. She glanced at him in a questionable but confused way. "A-anong ginagawa ko dito? Paano ako napunta dito?" tanong niya.

He then focused his attention on her. "Nalasing ka kasi kagabi at mukhang pagod na pagod ka na. Nag-alangan naman akong ibalik ka doon sa club kasi baka hindi mo na kaya, so naisip ko na iuwi na muna kita dito sa bahay ko para makapagpahinga ka at para masiguro kong safe ka," he explained in a very composed manner.

She just stared at him like she was totally out of words.

"Don't worry, wala akong ginawa sa 'yo, I promise." He beamed awkwardly as he scratched his head. "Sa kabilang kwarto ako natulog while you were sleeping here. Naisip ko kasi na mas comfortable dito kaysa doon sa spare bedroom. I hope, okay lang sa 'yo. I really just want to make sure na okay at safe ka."

"H-ha... eh..." Hindi tuloy niya tuloy alam kung paano siya tutugon kay Charlie. "Naku, p-pasensya ka na, inagawan pa pala kita ng kwarto at inabala."

"Okay lang 'yon. Pero nakatulog ka ba ng maayos?"

Chasing Sanity (Chase Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon