Hindi na muling umuwi si Charlie pagkatapos ng gabing iyon. Nabalitaan na lang ni Kelly sa executive assistant niya na humabol siya sa isang three day convention sa Tagaytay kaya mananatili muna siya doon ng mga ilang araw.
Wala namang magagawa si Kelly. Hindi naman niya pwedeng sundan si Charlie doon para lang makipag-ayos at amuhin siya. Baka lalo lang silang magkagulo kung gagawin niya iyon. Isa pa, mas mabuti na rin siguro na lumayo na muna sila sa isa't isa upang makapagpalamig at makapagpalipas ng galit ang asawa niya.
And today marks the second day he's been away.
At sa halip na mag-drama at magmukmok sa bahay, mas pinili ni Kelly na magbihis at pumunta sa simbahan kahit pa wala namang misa sa araw na ito. Gusto kasi niyang taimtim na ipanalangin ang pagkakaayos sana nila ni Charlie para hindi tuluyang magkalamat ang marriage nila. The thought of being heard by God could actually bring so much comfort to her wretched heart.
She decided to light up a prayer candle and carefully place it on the votive candle stand as she began to ask God for forgiveness, strength, and guidance. Kalakip rin ng tahimik at taimtim niyang panalangin ang lahat ng kahilingan at pagsusumamo niya patungkol sa kanilang dalawa ni Charlie.
She really did took her prayers seriously. Siguro'y ilang minuto rin ang inabot niya sa pananalangin. Kaya siguro medyo napapitlag siya nang mapansin niya ang isang matandang babaeng may uban na ang nakatitig sa kaniya. Magkatabi lang sila at halos ilang pulgada lang ang pagitan nila. The old lady seemed to be adoring her while staring at her. Hindi naman kahina-hinala ang matanda. Mukhang kakarating lang rin niya sa dakong iyon dahil halos bagong sindi pa lang ang kandila niyang nakatirik na rin sa stand. Parang lola lang talaga siya na nakatitig sa apo niya.
She didn't know how to react so she gave her a faint and timid smile.
Mas lalo siyang nginitian ng matanda. "Pasensya ka na, Neng. Hindi ko mapigilan na hindi ka titigan. Ang ganda-ganda mo kasi," magiliw na sambit nito sa kaniya.
That compliment warmed her heart. And even though she was still shy, she couldn't help but to smile sweeter. Feeling nga rin niya'y parang medyo kumapal ang blush on niya sa pisngi dahil lang sa simpleng mga salitang 'yon. "Salamat po, nay," pagwiwika naman niya. She made sure her tone was kind, grateful and loving.
"Alam mo kasi, neng..." The old lady tilted her head a little. "...Sa lahat ng buntis na nakita ko, ikaw ang pinakamaganda."
What? Tama ba ang narinig niya?
Dagliang napalitan ng pagtataka ang ngiti niya. Kitang-kita sa pagkunot ng noo niya ang pagkabigla. "P-po?" naguguluhang sambit niya.
The old lady giggled. "Alagaan mo 'yang baby mo, neng. Naku, napaka-precious ng batang 'yan."
Hindi na siya nakakibo sa sobrang gulat. Hindi niya talaga inasahan na mayroong lalapit sa kaniya't magsasabi ng mga ganitong bagay. At kung hindi nga lang niya ikinakalma ang sarili niya'y malamang nahulog na sa sahig ang panga niya. Basta hindi niya alam kung anong mararamdaman niya.
"O siya, neng, mauuna na ako, ah? Magdoble ingat ka at sumainyo nawa ang panginoong diyos." The old lady smiled at her for the last time before she joyously walked away.
Wala naman siyang ibang magawa kundi ang sundan ng tingin ang matanda habang naglalakad ito papalayo sa kaniya. Gulong-gulo pa rin siya at litong-lito. Napahawak pa nga siya sa tiyan niya at hinaplos-haplos 'yon ng may pagtataka. But she sighed and shrugged her shoulders upon looking away. "At talagang napagkamalan pa akong juntis? Bakit tumaba na ba ako?" she whispered to herself.
* * *
Hindi rin nakatiis si Charlie. Kahit kasi nasa Tagaytay siya at nagpapaka-busy ay hindi pa rin niya maiwasang isipin ang mga bagay-bagay. Iyon at iyon ang laging pumapasok at gumugulo sa isip niya kahit hanggang panaginip.
BINABASA MO ANG
Chasing Sanity (Chase Series #1)
Storie d'amoreCOMPLETED | R18 | MATURE CONTENT After so many failed attempts of escaping from the unfortunate life she's in, Kelly Santiago already accepted that she was trapped in a living hell. But then, Charlie Montefiore, an elite lawyer with a good reputat...