Chapter 37

1.6K 158 0
                                    

“Gising ka na pala. Kanina ka pa ba diyan, love?”

Kelly blinked a few times as her lips parted a little when her eyes met Charlie’s. Aaminin niya, medyo nagulat siya nang bigla na lamang lumingon ang asawa niya sa kinaroroonan niya. Kanina pa kasi niya ito pinapanood habang nagluluto ng pagkain na siguro’y aalmusalin nila. 

Umawang ang mga labi niya, pero wala siyang nasambit na salita.

“Gutom ka na ba?” Charlie asked, trying to be casual when she did not reply. Feeling kasi niya, hindi sila okay ni Kelly dahil sa kinahinatnan ng pag-uusap nila kagabi. “I made breakfast,” he told her as he took a quick glance at the table.

Nilingon ni Kelly ang hapag. She’s seeing a plateful of scrambled eggs, fried rice with lots of garlic, several strips of bacon, pancakes drenched in maple sauce with a couple slices of butter on top and sliced fruits such as kiwis, bananas and strawberries. Sa tingin pa lang, parang mabubusog na siya.

Lumapit na si Charlie nang makita niya kung paano tiningnan ni Kelly ang lahat ng hinanda niya. Kahit papaano, alam na niyang hindi sayang ang kaunting pambawi na hinanda niya para sa asawa niya. He went right behind her and gently held both of her arms. “Halika, love. Kain tayo. Alam mo, hinanda ko ang lahat ng ‘yan para sa ‘yo,” he told her as he escorted her to the table.

“Salamat,” mahinhing sambit ni Kelly bago siya tuluyang umupo sa silya niya.

“Coffee?” he asked.

“Sige.”

Agad namang nagtimpla si Charlie ng kape na maiinom nilang dalawa. Iyon na lang ang hindi niya nahahanda sa almusal nila.

“Uhh… ang dami namang nito,” she suddenly spoke up while he was working on their cups of coffee.

“Eh, hindi ko kasi alam kung gusto mo ng heavy breakfast o light lang. But don’t worry, hindi mo naman kailangang ubusin lahat ‘yan, love. Kapag ‘di mo naubos ako ang uubos.”

“Okay.”

Kumain na sila ng almusal pagkatapos magtimpla ng kape ni Charlie. Kaya lang, masyadong obvious ang katahimikang bumalot sa kanilang dalawa. Ni halos walang nagsalita at tanging ang tunog ng mga kubyertos nila ang narinig nila. 

He felt awkward as he watched her eat her breakfast. Mahinhin ngunit tuloy-tuloy ang pagsubo, pagnguya at paglunok ni Kelly sa kinakain niya. Ang mga mata rin nito’y nakapako lang sa platong pinagkakainan nito. 

Napatanong na naman tuloy siya sa sarili niya kung okay lang ba talaga sila ni Kelly. Hindi na kasi sila nag-usap pa ulit kagabi. He gave her some space because he knew she needed it. Nagkamali rin naman kasi siya. Nagdesisyon siya agad tungkol kay Joanna nang hindi man lang niya kinonsulta si Kelly. Kaya natural lang talaga na ganoon ang maging reaksyon ng asawa niya. Mabuti na rin na naroon sina V at Paul upang ipaliwanag at ipaalala sa kaniya ang puntong iyon.

“Love?” he softly called all of a sudden. Now, she felt the need to apologize to her. 

She looked up and gazed at him. “Bakit?” she asked after swallowing the food in her mouth. 

“I want to apologize about last night. Mali ako. Dapat sinabi ko muna sa ‘yo ‘yong tungkol kay Joanna. I should’ve consulted you first before agreeing to her. I’m really sorry, love,” he stated in a calm but sincere manner.

Hindi nagsalita si Kelly. Basta nakatingin lang ito sa kaniya. 

“I’ll make it right, love,” maagap naman niyang sinambit. “I’ll talk to her. Sasabihin ko sa kaniya na hindi ka pa ready sa ganito. I’m sure she’ll understand. Tapos kukuha na lang ako ng ibang lawyer—”

Chasing Sanity (Chase Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon