Chapter 10

4K 181 164
                                    

Mabilis ang naging paglipas ng mga araw. Ni hindi na nga nila namalayan na halos tatlong buwan na silang kasal at nagsasama sa isang bubong.

Tatlong buwan. Pero hindi pa rin talaga lubusang nakakapag-adjust si Kelly sa bagong buhay niya. Hindi pa rin siya sanay na sa medyo malaking bahay na siya nakatira. Hindi pa rin siya sanay na hindi na siya namomroblema sa pera at hindi na niya kailangang magtipid. Hindi pa rin siya sanay na nasa bahay na lang siya at hindi na binubuhos ang oras niya sa kung ano-anong raket. Hindi pa rin talaga siya nasasanay sa buhay niya bilang Mrs. Montefiore.

Bumaba siya sa kusina pagkatapos niyang maligo dahil naisipan niyang magluto na ng hapunan nila. Dumidilim na ang pagilid at sigurado siyang mayamaya lang ay uuwi na rin si Charlie.

She was all alone in their two-storey house. Nakauwi na kasi 'yong housekeeper na regular na naglilinis ng bahay nila. Wala silang stay-in na kasambahay dahil hindi sanay si Charlie sa ganoong set up.

Mabilis lang siyang nakapagsaing at madali lang niyang nailuto ang Pork Adobo na naisip niyang hapunan para sa gabing ito.

Sakto namang kakatapos lang niya sa mga gawain sa kusina nang bigla niyang narinig ang doorbell. Akala niya nga si Charlie na iyon pero naisip niyang hindi naman ito nagdo-doorbell kapag umuuwi ito.

She went and checked who was outside.

"Uy... hi, Kelly! Good evening."

Hindi niya inasahan ang taong bumungad sa kaniya. It was Tony Halili, one of the city's councilor and Charlie's best friend. At kagaya nina Charlie at Vincent, gwapo, matipuno at matangkad rin ito. Papasa na nga silang magkapatid ng asawa niya, sa totoo lang.

"I-ikaw pala," she timidly said. Medyo nahihiya pa kasi siya rito dahil bihira pa rin ang interaction nila kahit na mag-asawa na sila ni Charlie. Parang ngayon pa nga yata sila nagkita at magkakausap ng silang dalawa lang.

Tony smiled. "Ah, oo. May pinuntahan kasi ako. Malapit lang dito kaya naisipan ko nang dumaan dito sa bahay n'yo. Gusto ko rin kasi sanang makausap ng personal si Charlie tungkol sa isang kong project. Baka kasi makatulong siya," he casually stated.

She hesitated. "Naku, Tony. Wala pa si Charlie, eh. Malamang pauwi pa lang 'yon—"

He cut her off, "Ay hihintayin ko na lang siya."

Natigilan siya saglit. Hindi kasi niya alam kung anong sasabihin o gagawin niya.

"So, pwede ba akong pumasok?" he suddenly asked when she did not say a word.

"O-oo naman... halika sa loob." She opened the gate wider, letting him in.

Pero bago ito humakbang paloob ay inilahad muna nito sa kaniya ang isang box na sakto lang ang laki. "Brownies nga pala. Para sa 'yo—sa inyo ni Charlie."

Hindi naman siya nagdalawang-isip na tanggapin ang box ng brownies. Nagpasalamat rin siya. Pagkatapos ay pinapasok na niya ito. She led him to the living room and invited him to sit on the sofa.

"Gusto mo ba ng juice o kaya kape or tea?" tanong niya nang makaupo na ito Tony sa sofa.

"Vodka," sagot nito sabay ngisi.

Hindi siya nakakibo sa narinig niya. Hindi kasi niya mawari kung seryoso ba ito sa inuming gusto niya o sadyang nagbibiro lang.

He laughed a little when he saw how she looked so confused "Joke lang, Kelly. Malamig na tubig na lang."

Agad siyang kumuha ng malamig na tubig sa kusina. Pagkatapos ay ibinigay niya iyon kay Tony. Nagpasalamat pa nga ito sa kaniya bago uminom.

"So, kumusta ka naman? Okay ka lang ba dito? Hindi mo ba nami-miss ang dating buhay mo?" nagsimula itong magtanong pagkatapos uminom. "Kasi dati iba-iba ang buhay mo. Paraket-raket ka lang. Pa-chill chill ka lang doon sa bar. Ginagawa mo 'yong gusto mo. Tapos ngayon asawa ka na ng isang abogadong CEO ng isa sa pinakasikat na law firm sa bansa."

Chasing Sanity (Chase Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon