Chapter 27

1.9K 156 17
                                    

Trigger warning: Sexual harassment, violence.

Huminga nang malalim si Kelly. Alam niya sa sarili niya na may nararamdaman na siyang kakaiba; may nararamdamang hindi tama, ngunit pinili niyang kumalma. Nananaig pa rin kasi sa isip niya na isa sa pinakamatalik na kaibigan ng asawa niya ang lalakeng kaharap niya.

"Mag-usap? Halika sa labas. Ladies room kasi 'to," she casually stated as she started to walk towards the door. She was hoping that he would follow her.

"Isang taon, Kelly. Isang taon," malamig na sambit nito nang lampasan siya ni Kelly.

That made her halt. But those words weren't enough to make her face him again.

"Isang taon. Hindi ka pa ba nagsasawa kay Charlie? Alam mo, nakakasawa kasi ang kaibigan kong 'yon, eh. Bahay, trabaho, propesyon... doon lang umiikot ang buhay niya. Hindi siya marunong magsaya. Kung hindi ka nga lang pumayag, hindi siya sasama dito ngayon. 'Di rin naman siya marunong makipaglaro sa mga babae. Masyado siyang good boy. I wonder kung napapasaya ka ba talaga niya..."

Hindi siya kumibo. Pinakiramdaman lang niya nang mabuti ang bawat salitang lumabas sa bibig ni Tony, maging ang mga yabag ng mga paa nito.

"Tell me, Kelly. Hindi ka pa ba nagsasawa sa kaniya?"

Doon na siya nagdesisyong harapin itong muli. Medyo nagulat nga siya dahil pagharap niya'y nakita niyang halos nasa harapan na niya ang binata. Gayunpaman, hindi niya iyon inalintana. Nginitian niya ito. "Hindi," simple at maikling tugon niya.

Agad itong umling at ngumisi na tila ba hindi ito satisfied sa sagot niya.

"Halika na sa labas," mabilis naman niyan sambit. Ngayon lang niya napagtatanto na mukhang napunta na sa ulo nito ang alak na nainom niya. "Bumalik na tayo do'n. Siguradong hinihintay na nila tayo," dagdag niya sabay tinalikuran niya itong muli at nagsimulang humakbang na.

"Eh, masaya, Kelly? Masaya ka ba sa kaniya?"

She halted to glance at him again. "Oo."

"Talaga? Napapasaya ka niya?"

"Oo naman. Bakit naman hindi, 'di ba?"

He pursed his lips and began nodding. He even put his hands on his pocket. "Sa bagay. Sino ba ang 'di napapasaya ng marangyang buhay, 'no? Tingnan mo nga naman, buhay reyna ka na dahil sa pera niya," he said, grinning.

Her forehead creased. Hindi na niya gusto ang naririnig niya.

"Pero huwag nating isama 'yong mga materyal na bagay na ibinibigay sa 'yo ni Charlie. Kung hindi counted ang mga 'yon, napapasaya ka ba niya? Napapaligaya ka ba niya, huh, Kelly?" he questioned in a deep low voice as he began stepping towards her.

She knew very well that there was a sexual undertone in his question, yet she chose to play it cool and take it literally. "Oo-" she tried to reply but was immediately interrupted.

"Talaga? Ni hindi ka nga niya mabuntis hanggang ngayon." He mockingly laughed. "Bakit, ano bang ginagawa n'yo sa intimate moments n'yo? Nagtititigan? Tangina, ang hina talaga ni Charlie. Kaya wala akong bilib sa kaniya, eh!"

She sighed, trying to control her emotions. She clenched her fists and looked straight in his eyes. "Lasing ka na, Tony. Kaya mabuti pa, bumalik na tayo doon. Ipapahatid na kita pauwi sa mga kaibigan mo," she seriously stated, then she quickly walked towards the door.

Chasing Sanity (Chase Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon