Chapter 19

2.7K 165 29
                                    

Charlie immediately headed home after a distressed and apologetic Tony called and informed him of their encounter with Kelly. Alam niyang kinakailangan niyang umuwi dahil nang subukan niyang tawagan si Kelly ay hindi na niya ito ma-contact. Malamang ay pinatayan na siya nito ng cellphone. Iyon rin ang dahilan kung bakit halos lumipad na siya para lang makauwi. He rushed only to come home to an empty house.

He pulled over in front of their house. Agad siyang bumaba upang buksan sana ang gate para maipasok niya ang kotse sa garahe ngunit nalaman niyang nakakandado pa ito.

He took a step backwards and placed his hands on his hips. Mabigat ang pagbuntonhininga niya nang pagmasdan niya ang kaubuoan ng bahay. The lights were off, the inside was quiet. Halatang-halata na walang tao sa loob ng bahay. Halatang-halata na hindi pa umuuwi si Kelly.

Ang sabi ni Tony sa kaniya kanina nang magkausap sila sa cellphone, galit na galit raw na umuwi si Kelly. Pero hanggang ngayon, hindi pa rin ito nakakarating sa bahay.

Natigilan siya saglit at nag-isip. Kung wala pa talaga sa bahay si Kelly, umuwi ba talaga siya? Kung hindi, saan siya pumunta? Bumalik ba ulit siya sa bar? Nasaan ba talaga siya ngayon? Is she in a safe place? Ang daming tanong na namutawi sa isip niya. At kasabay ng paglutang ng mga tanong na iyon sa isip niya ay nagsimula na rin siyang mag-alala para kay Kelly. He knew his wife. He knew that she can be reckless whenever she's upset.

He unconsciously ran his hand through his hair. He let out a heavy sigh and took his phone out from his pocket. Susubukan niyang tawagan ulit ito. Magbabaka sakali siya na baka hindi na nakapatay ang phone ni Kelly. Basta makausap lang sana niya ito at makapagpaliwanag para maging malinaw ang lahat. Baka kasi maging malala pa ang away nila kung hindi niya ipapaliwanag ng maayos.

"Shit!" he cussed to himself when he heard that her number was still unattended.

Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang gawin. Pero alam niyang dapat silang mag-usap ni Kelly nang masinsinan.

He took deep breaths until he finally thought about going to the bar where Monica works as a singer. Malamang ay nandoon rin ang asawa niya kanina dahil doon sana sila magkakasiyahan pero nagpasiya itong umuwi na lang. Naisip niya na baka bumalik lang rin doon si Kelly dahil alam niyang kay Monica lang ito tatakbo.

He wanted to call Monica, too. Pero naisip niya na dapat sila munang mag-asawa ang mag-usap. Kilala na rin kasi niya ang pinakamatalik na kaibigan ng asawa niya. Alam niyang magtatanong at mag-uusisa ito tungkol sa mga bagay-bagay kung lalapit siya rito. At baka magmitsa pa 'yon ng malaking kontrobersya sa pagitan nila. He shrugged that thought off.

Malalim ulit ang naging buntonghininga niya bago siya muling kumilos at humakbang pabalik sa kotse niya. He was about to open the car door when a car's headlight suddenly blinded him. Medyo napapikit pa nga siya nang tumama sa mga mata niya ang liwanag. Rinig na rinig rin niya ang makina ng sasakyan.

He tried his best to take a glance on what was in front of him. Agad naman niyang nakita ang isang kotse, na halos bumulag sa kaniya, ang paparating. It was a black Toyota Vios. Huminto iyon ilang metro mula sa kinatatayuan niya. He doesn't recognize the car, so he tried his best to peeped inside to know who was it.

Pero ilang saglit lang pagkatapos huminto ng kotse ay biglang lumabas mula roon si Kelly. Kahit masyadong maliwanag, alam niyang ang asawa niya ang bumaba mula sa kotseng iyon. After all these months, he already memorized every inch of that slim figure. Kilalang-kilala niya rin ang black fitted pants at floral blouse na suot-suot nito na may pinaghalo-halong kulay ng puti, dilaw at itim dahil siya mismo ang bumili ng mga 'yon. Ganoon rin ang black heels na lumilikha ng clicking sounds sa bawat hakbang nito; pati na rin ang black Chanel purse na bitbit nito.

Chasing Sanity (Chase Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon