Chapter 53

1.4K 156 15
                                    

Since that day, Charlie and Kelly became strangers living under the same roof. She refused to talk to him already after that cryptic apology as she would always lock herself up in that guest bedroom all the time. At walang ibang magawa si Charlie kundi ang maghintay at umasa na maging okay na ang lahat.

And that lasted for days.

But today seemed to be diffirent.

Charlie walked out of their walk-in closet holding his necktie and coat. Naisip niyang sa sasakyan na lang siya mag-aayos pagdating sa office. Hindi pa naman siya late pero gusto niyang pumasok na nang maaga. Ano pa ba kasing gagawin niya dito sa bahay? Hindi naman sila mag-uusap ni Kelly. Lalo lang siyang malulungkot kung nandito siya.

He walked up to his bedside table. Kukunin lang sana niya ang cellphone niyang nakalapag doon pagkatapos ay aalis na siya pero bigla siyang natigilan nang mapabaling siya sa direksyon ng balcony ng kwarto nila.

Nasa balcony si Kelly.

He saw her through the glass door. Agad niyang napansin na hindi ito nakapambahay. She was wearing a plain white blouse and a black, high waist trousers. Naka-flat sandals lang rin siya at nakalugay ang buhok niyang tila sumasayaw-sayaw pa ng kaunti sa kumpas ng hangin.

Aalis ba siya today? Iyan ang unang naitanong niya habang pinagmamasdan niya ang asawa niya mula sa pwesto niya. Pagkatapos ay napaisip rin siya kung lalapitan ba niya ito o aalis na siya.

Kahit hindi sigurado kung ano ang mangyayari, pinili niyang lapitan si Kelly.

He walked towards the balcony, carefully opened the glass sliding door and courteously went to her. Agad pa nga niyang iniligay ang mga kamay niya sa railings pagkatapos humarap sa kaniya.

Pinagmasdan muna niya saglit si Kelly habang nag-iisip ng sasabihin niya. Ito namang isa ay mukhang walang pakialam sa kaniya. She didn't even move or flinch when he approached her. Para rin kasing ang layo ng tingin niya.

"Hey," mahina at maingat na sambit niya.

There was no response, not even a side glance.

"Monica called me earlier this morning. Tinatanong kung kumusta ka at kung ano na ang nangyayari sa 'yo. Nag-aalala na siya. Pati ba siya hindi mo rin kinakausap?"

He saw how she took a deep breath and released it. Kitang-kita rin niya ang pagkurap nito pero hindi pa riya nito pinagtuunan ng pansin. It seemed like he was just a wind lingering on her existence.

Huminga siya nang malalim. "Para naman tayong ewan nito, love," he melancholically remarked. "Hindi ko alam kung bakit bigla na lang tayong naging ganito. Urong-sulong tayo. Magkakaayos tayo tapos ilang araw lang ganito na naman tayo. Love, I can't even figure our problem out."

Still, he heard nothing from her.

"Let's admit na may mabigat na problema talaga tayo, love."

She saw him swallow a bile from her throat.

"At ayoko ng ganito, love. It'll kill me. So please, ayusin na natin 'to, love. Let's talk and figure this out. Sabihin mo sa 'kin kung anong ayaw mo, kung anong gusto mo. Sabihin mo sa 'kin kung ano ang ikinasasama ng loob mo sa 'kin. Sabihin mo sa 'kin kung may problema ka—"

"Ayoko na, Charlie," she finally said, cutting him off. Malamig ang pagkakasabi niya ng tatlong salitang iyon. "Hindi ko na kaya," dagdag pa niya.

"What do you mean, love?"

She finally glanced at him, coldly. "Maghiwalay na lang tayo, Charlie," she answered straightforwardly.

His heart sank the moment he heard those words. He saw his whole world crumbling at the back of his mind. Bigla siyang natulala sa puntong iyon habang pinakikiramdaman niya ang pagkirot ng puso niya.

Chasing Sanity (Chase Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon