Chapter 56

1.3K 148 0
                                    

Malumanay na kinutsara ni Kelly ang natitirang pagkain mula sa lunch box pagkatapos ay inilapit niya iyon kay Charlie, na muli na namang nagpapaka-busy sa pagbabasa ng mga files. "Oh, Charlie," tawag pa niya habang hinihintay ang asawa na muling humarap sa kaniya at kumain.

And just as expected, he glanced at her again and stopped what he was doing. "You really don't have to do this, love," he timidly said.

Napa-eyeroll agad si Kelly.

Bakit ngayon lang kasi naisip ni Charlie na sabihin 'yon kung kailan patapos na siyang kumain?

She sighed to control her urge to ask that question out loud. "Kainin mo na 'to, Charlie. Last na, oh," she calmly said. Inilapit niya rin ang kutsarang may laman sa bibig nito.

His eyes smiled at her before he finally opened his mouth to eat.

Sa totoo lang, hindi alam ni Kelly kung mukha siyang tanga sa mga oras na 'to. Imagine, nakikipaghiwalay na siya kay Charlie pero nagawa pa niyang ipagluto ito ng Beef Caldereta na paborito nito dahil nagsabi sa kaniya ang EA nito na halos hindi ito kumakain at puro na lang trabaho ang inatupag niya nitong mga nakaraang araw. At hindi pa talaga doon nagtapos dahil nag-initiate rin siyang subuan na ito dahil sa pulit-ulit na pagtanggi niyang kumain.

"Mauubos mo naman pala."

He couldn't contain his giggles. "Ang sarap kasi, eh," he admitted.

"Binobola mo na naman ako."

"No, Kelly. Alam mo namang lahat ng sinasabi ko sa 'yo totoo."

She knew he was saying the obvious truth and that made her heart flutter. Pero alam niyang kailangan niyang hindi dapat siya magpaapekto sa bigla niyang naramdaman kaya inayos niya ang upo niya at tumikhim. "Alam mo, uminom ka na lang ng tubig," she said as she reached for the water bottle and twisted the cap to open it.

Agad namang kinuha ni Charlie ang bottled water mula sa kamay ng babaeng pinakamamahal niya pagkatapos ay lumagok na siya ng tubig mula roon.

Nag-iwas ulit ng tingin si Kelly. Baka kasi lalo lang siyang ma-in love kung papanoorin pa niya ang simpleng pag-inom ni Charlie ng tubig. Sinimulan niya ring suklayin ang buhok niya gamit ang isang kamay niya upang hindi naman siya magmukhang tanga sa kinauupuan niya.

"Love?" he called softly after a few seconds.

She refused to glance at him. "Hmm?"

"Thank you."

"Para saan?"

"For being here. For doing this."

Hindi siya nagsalita pagkatapos marinig ang mga salitang iyon. Ano nga ba kasi ang pwedeng sabihin niya? Wala siyang maisip.

"Ito lang ang kailangan ko," he said with a genuine smile.

Napahigot si Kelly ng isang malalim na hininga nang sabihin ni Charlie ang mga salitang iyon. Para kasing tumagos sa puso niya ang kahulugan ng bawat pantig na sinambit ng asawa niya.

"Kelly?"

This time, she manage to gaze back ag him. "Ano?" malumanay niyang tanong.

With his eyes pinned on her, he said, "I love you."

Umawang ng kaunti ang bibig ni Kelly. Hindi niya inasahan na sasabihin ni Charlie ang mga salitang iyon sa puntong ito kaya hindi talaga siya nakapagsalita. Pero nagkatitigan sila ni Charlie at tila ba parehong huminto ang mga mundo nila mula sa pag-ikot.

Chasing Sanity (Chase Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon