"Kelly, darling! Oh, how radiant and beautiful you are! Alam mo, bagay na bagay talaga sa 'yo ang magbuntis."
"Of course naman, Tita," nakangiting sumang-ayon si Charlie sa sinabi ng Tita Irene niya bago siya bumeso sa kanila. He really couldn't have his mouth shut because that was yet another proud moment for him. Gustong-gusto kasi niya kapag nakakatanggap ng ganoong klaseng compliments si Kelly, lalong-lalo na kapag nagmula ang mga 'to sa mga nakatatanda.
"Kelly, ikaw ba inaalagaan nitong pamangkin ko?" tanong naman ng Tito George niya kay Kelly nang bumaling siya sa kanila pagkatapos nitong bumati sa ibang tao na nakakahalubilo nila sa fundraising party na 'to.
Kelly smiled sweetly as she cradled her belly. Ibinuka na nga niya ang bibig niya dahil handa siyang sagutin ang tanong pero naunahan siyang magsalita ni Charlie.
"Of course, Tito!" he answered with so much confidence. "I love taking care of her. Kahit minsan makulit at masakit sa ulo—" Hindi pa man siya tapos magsalita pero pasimple ngunit malakas siyang siniko ni Kelly. "Ayon na nga..." he chuckled instead.
Maging ang Tita Irene niya ay natawa sa nasaksihan niya. She found them cute. "Kayo talaga," she remarked. "By the way, how far along are you, darling?"
"Thirty eight weeks na po."
Oo, nasa thirty eight weeks na ang tiyan ni Kelly ngayon. Kung tutuusin, parang isang kisap-mata lang ang pregnancy journey niya. Kasi parang kailan lang nang malaman niyang buntis siya. Parang kailan lang nang ma-comatose siya dahil sa ginagawa ni Jack sa kaniya. Parang kailan lang nang lumipat sila sa bagong bahay nila. Pero heto na sila ngayon, malapit ng matapos ang lahat ng 'to. Malapit ng matapos ang lahat ng nararanasan niya dala ng pagbubuntis niya. Malapit na ring mag-iba ang buhay at sitwasyon nila.
"Oh, mabuti nakasama ka pa dito," Tito George suddenly said upon hearing that she will give birth soon.
She smiled. "Kaya ko pa naman po."
"Actually, ayoko na sana siyang isama kasi sobrang worrried ako. Pero nagpupumilit talaga siya," segue naman ni Charlie. "Gusto yata niya akong bantayan kasi baka raw mambabae ako."
They laughed. But Tito George looked around. "But it seems it's the other way around, Charlie. Kanina ko pa napapansin na ikaw ang bakod nang bakod sa misis mo—"
"Oh my god, George!" In the midst of the conversation, Tita Irene suddenly gasped and exclaimed, cutting her husband off from speaking. "Did you see that? The baby kicked! Oh, oh... look! The baby's moving."
Sa puntong 'yon, ang mga atensyon nila ay napako sa tiyan ni Kelly. At tama nga, kitang-kita nila ang dahan-dahang paggalaw ng bata sa loob ng sinapupunan niya. Kaya kahit medyo uncomfortable, hindi naiwasan ni Kelly ang mapangiti. Her heart overflowed with joy just by witnessing that people were so thrilled about her baby.
"I think, nakikinig siya."
"Gusto na siguro niyang sumali sa 'tin."
Kelly wasn't really sure if her baby could feel everything that was happening outside but she was certain that the little human in her tummy was active and awake. Talagang gumagalaw kasi ang bata ag kitang-kita ng lahat ang paggalaw nito dahil mababakas sa tiyan niya ang pag-umbok ng kamay o paa nito.
The baby kept on moving.
At dahil sa walang humpay na paggalaw ng sanggol sa sinapupunan niya'y napahawak na siya sa tiyan niya. She gently caressed her tummy. She was hoping that the baby will calm down because his constant movements, though they were really breathtaking, were already making her uncomfortable.
Hindi rin nagtagal ay naramdaman na niya na parang maiihi na naman siya kaya huminga siya ng malalim. "Uh, excuse lang po. Kailangan ko na yatang pumunta sa ladies room," bigla ngunit medyo nahihiyang sambit niya.
BINABASA MO ANG
Chasing Sanity (Chase Series #1)
RomantizmCOMPLETED | R18 | MATURE CONTENT After so many failed attempts of escaping from the unfortunate life she's in, Kelly Santiago already accepted that she was trapped in a living hell. But then, Charlie Montefiore, an elite lawyer with a good reputat...