After 2 and a half weeks...
It has been a smooth week for everyone. One and a half month nalang ay volleyball season na, na siyang pinaghahandaan ng JUF red lady spikers ngunit kulang pa rin sila ng players. Kung hindi sila makakakuha ay mahihirapan sila dahil kulang sa substitute ang players.
Ang buong SSC naman ay busy na rin sa gaganapin na event for the next two months. Matagal pa itong gaganapin ngunit gusto ng mga SSC officers na maging maayos, maganda, at masulit ng mga estudyante ng JUF ang event.
Hindi naman malaman ng mga SSC officer kung paano naaaprubahan ng Head master ang mga plano nila tungkol sa event dahil hindi rin nila mismo kilala ang bagong head master. Ang mga pinapapirma nilang mga approval sheet ay ibinibigay sa secretary ng head master at ang secretary nalang ang nag-aabot nito sa head master.
Hindi man nila kilala ang head master ay laking pasasalamat nila rito lalo na si Jhoanna dahil maraming magagandang suggestion ang head master upang hindi mahirapan ang SSC.
Si Mikha naman ay araw-araw nang pumapasok sa University, 'di tulad noong nasa US pa ito na mas marami pa ang absent kesa sa present days nito. Pag-aari ng kanyang ina ang University at isa sa tumatak sa isip ni Mikha ang pangalagaan ang JUF at maging magandang ehemplo bilang Head master at estudyante dahil alam nitong magiging proud ang Mommy nito kung aalagaan niya ang pinaka-inaalagaan ng ina nito noon.
Mikha's POV:
It's currently our break time kaya dito muna ako tumambay sa 'L room' para icheck ang mga papers and approval sheets ng SSC for the event na pinagpaplanuhan nila.
Nakaramdam naman ako ng ngalay at narealize ko na kanina pa pala ako nakayuko kakacheck at kakapirma sa mga papel na nasa harapan ko. "Haysss, ganito pala ginagawa mo Mommy! 'Di mo naman ako ininform na I'll be having frequent backaches." Sabi ko sa aking sarili habang natatawa sa mga sinabi ko.
"I missed you so much, Mommy." Nasabi ko nalang at huminga ng malalim. Kesa magmukmok at maging malungkot dahil sa alaala ng nakaraan ay lumayo muna ako sa mga papeles at nag-unat-unat ng katawan para mawala ang ngalay.
Tumayo naman ako at lumapit sa bintana ng 'L room'. Tinted window glass naman ang bintana dito kaya walang makakakita sa akin mula sa labas. Kitang-kita sa aking pwesto ang Golden Garden ni Mommy. "Grabe Mommy, you really placed your garden where I can see from the L room as a reminder of you eh noh!" Sabi ko.
Habang tinititigan ang buong garden ay may nakita naman akong babae na papalapit sa garden at sa tingin ko ay tatambay na naman ito na lagi niyang ginagawa every break time.
What a beautiful lady. She's like a Goddess. Her skin is white as a pearl. Her eyes shine brightly than the stars that sparkled at night. And her smiles, her smile that shows too much happiness that I wish to have. Though, her smiles are contagious.
"Arghhh! Stop looking at her, Mikhaela!" Sabi ko sa sarili habang tinatapik-tapik ang aking pisngi. Para 'di ako maabala ng magandang babae sa garden ay dumeretso na ako sa pagpipirma para matapos ko na agad ang mga kailangan kong gawin at makapasok sa susunod na klase.
Aiah's POV:
Kakatapos lang ng 2nd subject ko kaya naglibot-libot muna ako sa buong university. Hanggang sa binitbit ako ng mga paa ko sa paboritong lugar ko. Ako lang mag-isa dahil magkaiba kami ng schedule ni Stacey at Sheena, habang si Maloi ay tumatambay ngayon sa library.
Gustong-gusto ko lagi ang simoy ng hangin dito. Ramdam mo ang katahimikan ng lugar. Subukan mo lang pumikit ay mararamdaman mo na parang walang problema sa iyong paligid.

BINABASA MO ANG
The President's Daughter (Major Editing)
FanfictionTwo opposite worlds come together. How will they establish harmony after their initial encounter was unfavorable? Would you be open to befriending someone whose life is constantly in danger? Are you prepared to take risks for the person you love, ev...