Third person POV:
Pagkatapos ng vlog ni Mikha at Aiah sa unang araw ng magkakaibigan sa Vigan, naggala-gala nalang sila sa natitirang dalawang araw.
Bumili rin sila ng mga souvenirs para sa mga pamilya nila.
Halos nag-enjoy lang lahat sa kanilang mini vacation. May mga nagpapapicture rin sa talong volleyball player ng grupo dahil nga sikat rin ang mga ito.
Kahit payapa at malawak ang kanilang paligid, hindi sila pinapabayaan ng mga bantay ni Mikha dahil utos rin ng Ama nito na bantayan ang magkakaibigan.
Tuesday (break time)
As usual, busy ang apat para sa darating na amazing race ngunit pinoproblema pa nila ang mga kasali rito.
Jhoanna: "Ate Colet, naipasa mo na ba sa secretary ni Head master yung letter about sa groupings?" May pag-aalalang tanong nito dahil malapit na rin ang amazing race.
Colet: "Yes, Jho. Kaso hindi pa raw napag-uusapan ng buong board members at ni Head master kung sino yung mga isasaling students, umalis daw kasi si Head master for three days eh."
Aiah: "Don't stress yourself too much, Jho. Baka mamaya pa natin makuha yung list." Sambit nito at nilapitan si Jhoanna para tapikin ang braso nito.
Gwen: "Ikaw beh. Bakit nandito ka na naman. Buti talaga walang nakakarating kay Head Master na may student na tumatambay dito sa SSC room." Sambit ni Gwen sa kausap nito na nakaupo at nakasandal ang paa sa isa pang upuan habang ang ulo nito ay nakaunan sa mga kamay nito at may cap na nakataklob sa mukha nito.
Colet: "Oo nga noh. Sobrang strict kaya ng board members sa SSC building. Tapos ikaw, ginagawa mong tambayan lang itong SSC room HAHAHA." Hindi makapaniwalang sambit nito at natawa pa.
Aiah: "Even my friends, nakakapasok sila dito. Eh 'di ba may guard sa labas ng building? How come na hindi nito pinagbabawalan yung tatlo?"
Jhoanna: "Same question, ate Aiah. Kaya nga inis na inis ako dahil nakakapasok dito si Stacey eh. Payapa dito noon, pero 'di na ngayon." Sambit nito na ikinatawa ng tatlo
Gwen: "Ready na rin pala yung presentation about sa mga obstacles." Pag-iiba nito sa usapan.
Aiah: "So set na lahat, list of participants nalang."
Jhoanna: "Ilang station yung lahat-lahat na obstacles?"
Colet: "All in all, 7 stations, yung pito doon, bagong obstacles, and yung pangwalo is yung tradition obstacle every amazing race."
Jhoanna: "So okay na ang lahat haa, bukas na presentation niyan sa JUF gym. Present natin around lunch break."
Aiah: "Ready na rin yung mga watcher kada station. Halos lahat ng watchers ay galing 1st year para makita nila kung paano mangyari ang amazing race."
Colet: "Let's go to our next class na, shall we?" Sambit nito at tumango naman ang lahat.
Jhoanna: "Ay nga pala, ate Aiah. Paki-gising nga 'yan. Baka kasi ma-bad mood pag kami magising dyan eh." Sambit nito at tumango naman si Gwen at Colet upang sumang-ayon.
Aiah: "Sige ako na bahala dito. Una na kayo haaa." Sambit nito at lumabas na ang tatlo.
Lumapit naman si Aiah sa isa. Akmang tatapikin niya ito ng biglang bumalikwas ang isa at mahigpit na hinawakan ang kamay ni Aiah.
Aiah: "O-ouch!" Sambit nito at nagulat naman si Mikha sa kaharap niya kaya napabitaw ito.
Mikha: "Sorry, akala ko kung sino." Walang emosyong sambit nito.
BINABASA MO ANG
The President's Daughter (Major Editing)
FanficTwo opposite worlds come together. How will they establish harmony after their initial encounter was unfavorable? Would you be open to befriending someone whose life is constantly in danger? Are you prepared to take risks for the person you love, ev...