Chapter 66 - Disappoinment

2.9K 84 17
                                    

Author's note:

Happy Thursday po! Stay safe everyone! Btw, isipin niyo nalang si Elle Luna sa mga parts ni Mikhs dito.

Wala lang, isipin niyo lang HAHHAHAHA. Thank you pi!















Third person POV:

Pagbukas ng operating room, nagsitayuan ang mga naka-upo. Lumabas ang isang doktor at tumingin isa-isa sa mga magkakaibigan.

Doctor: “Sino ang kamag-anak ng pasyente?” Malalim na boses ngunit mahinahon na usap nito.

Colet: “K-kami po, Doc. Girlfriend ko po siya.” Aktibong sambit nito na tila nananalangin ng magandang balita.

Doctor: “Well, the patient is safe now. Dalawang bala ang tumama sa tagiliran niya at buti nalang na wala itong natamaan na organ.”

Colet: “Pwede na po ba namin siyang dalawin?” Excited na tanong nito sa doktor.

Doctor: “Once we transfer her to another room, you can visit her na. Kailangan pa kasi naming i-monitor siya kung may complications, but rest assured na safe si Sheena.” Sambit nito kaya naman nakahinga ng maluwag ang magkakaibigan.

Si Mikha naman ay nakikinig lang habang nasa likod ni Aiah at hawak-hawak ang kamay nito. Tila ito ay nakayuko habang nakikinig dahil sinisisi pa rin niya ang sarili niya sa nangyari kay Sheena.

Colet: “Maraming salamat po, Doc! Salamat po at niligtas niyo siya.” Pasasalamat nito sa doktor at yumuko pa bilang respeto.

Tumango lang naman ang doktor at umalis na rin para i-check ang iba pang pasyente.



Nang maka-alis ang doktor, naghintay lang ang magkakaibigan na ilipat sa bagong kwarto si Sheena.

Habang naghihintay, magkakasama sina Colet, Jhoanna, Stacey, Maloi, at Gwen sa isang mahabang upuan.

Sila Aiah at Mikha naman ay nasa kabilang upuan dahil ramdam ni Aiah na natatakot pa rin si Mikha sa kanyang mga kaibigan at kanina pa ito hindi makausap.




Makalipas ang sampung minuto ay inilipat na si Sheena sa ibang kwarto ng dalawang nurse.

Habang inililipat ay nakasunod naman ang pito papunta sa kwarto ni Sheena. Tila nalungkot ang mga ito dahil ang daming nakakabit na kable sa katawan ng kanilang bunso.

Hindi sila sanay na walang taong nangungulit sa kanila at tumatawa ng matinis. Puro lungkot at pag-aalala ang nararamdaman ng bawat isa.

Nang maipasok na si Sheena sa kwarto, sumunod naman agad ang pito ngunit napa-tigil si Mikha na nasa dulo ng magkakaibigan sa kanyang pagpasok.

Nang maramdaman ni Aiah na wala siyang kasunod, napatigil rin ito habang hawak-hawak ang handle ng pintuan at napalingon sa likod niya.

Aiah: “Is there a problem, Jiā? Pasok na tayo sa room ni Shee.” Malumanay na sambit nito kay Mikha na tila kabado at natataranta.

Mikha: “G-go na po, Jiā. D-dito nalang ako s-sa labas maghihintay.” Mahinang sambit nito na parang takot na bata.

Aiah: “Haa? Eh ang tagal nating hinintay si Bunso sa labas ng operating room tapos maghihintay ka ulit dito?” Sambit nito ngunit yumuko lang ang isa, tila natatakot na tumingin sa mata nito dahil akala niya ay disappointed din ito sa kanya.

Lumapit naman agad si Aiah dito at hinawakan ang dalawang kamay ng dalaga. Hinila niya ito hanggang sa ma-upo sila sa harap ng bench ng room ni Sheena.

Mikha: “U-uwi nalang k-kaya ako. O-or kuha ako ng damit niyo s-sa mansion.” Kabadong tanong nito habang hindi makatingin sa isa.

The President's Daughter (Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon