Chapter 43 - Pares

3.5K 94 1
                                    

Aiah's POV:

We are here sa car niya papunta sa kung saan man. I'm so shock pa rin dahil nagiging talkative na siya, hindi na siya ganoon kaseryoso at kasungit. But it's a good thing na hindi na siya laging malungkot.

Mikha: "You know what? Sa pupuntahan natin, 'yun yung place kung saan ako dinadala ni kuya enzo kapag malungkot ako. We always eat their kapag malungkot ako o kaya siya. Tapos pag-uwi namin, sesermonan kami ni Mommy kasi kung saan-saan na naman daw kami nagsususuot." Tuwang-tuwa na kwento nito habang nakatingin sa daan. Mas maganda siya kapag nakangiti. Mas maganda siya pag laging masaya. Araw-araw siyang gumaganda sa paningin ko.

"For sure masarap 'yan! I can't wait to try it!" Excited na sambit ko rito kaya mas lalo pa itong napangiti.

Mikha: "Naman! You'll like it. Nanay Elsa's specialty is the best!" Pagmamalaki nito. "Kahit matanda na siya, malakas pa rin siyang magluto noon. And now, for sure she's already 78 na. Ngayon nalang ulit ako makakapunta sa kanila and sabi ng mga body guards ko, andun pa rin daw sila." Excited na sambit nito.

"May kasama pa ba siya?"

Mikha: "Wala na siyang pamilya eh, ang kasama nalang niya ay yung apo niya na si chelzie, 8 na 'yon ngayon and sobrang cute na bata na parang kapatid ko na rin. Natagpuan siya ni Nanay Elsa sa lansangan, sanggol palang siya kaya kinupkop na ni Nanay." She's cute when she's making kwento habang nakasmile. It's like wala siyang pinagdaanang mabigat noon.

Napansin ko na lumiliit na ang dinadaanan namin. Ang paligid ay puno ng mga bahay na gawa sa kahoy at yero at dikit-dikit ang mga ito. Squatters area kung tawagin ng karamihan.

Mikha: "We're here!" Excited na sambit nito. Akala ko maarte ang isang toh, pero base sa kwento niya, lagi sila dito ng kuya niya.

Bumaba naman siya at pinagbuksan ako ng pinto. Wow, first time! Hinawakan din niya ang kamay ko at nagsimula na siyang maglakad kaya nagpatangay at hinayaan ko nalang ito.

Derederetso lang ang daan namin. May mga lata, mga basura, at kung ano-ano pa ang nakakakalat sa daan.

May mga batang naglalaro sa paligid, may mga umiinom sa tabi, at kung ano-ano pa. Buti nalang walang pumapansin sa amin.

Mula sa aming kinatatayuan, natatanaw ko na ang isang sign board na 'Nanay Elsa's Paresan'. Dahil dito ay nagulat ako dahil kumakain pala ito ng pares. Isang kainan nga ito na maliit lang ang pagkakatayo.

Halos hindi na rin mabasa ang nasa sign board, mukhang luma na ito at halos wala na ring customer sa paligid nito.

May walong upuan naman ito sa labas at dalawang lamesa na luma na rin para siguro sa mga kakain na customer.

Mikha: "Nanay Elsa! Si Mikha po ito! Kakain po kami ng kasama ko." Sigaw nito sa labas ngunit walang Nanay Elsa ang lumabas, sa halip ay isang batang babae ang lumabas. Napansin ko ring unti-unting nawawala ang mga ngiti ni Mikha.

Isang maliit na bata na butas-butas ang damit, isang piraso lang ang suot na tsinelas, may dumi ang mukha at may yakap na maliit at maduming stuff toy.

"Kilala mo ba siya?" Takang tanong ko kay Mikha ngunit tiningnan lang ako nito saka lumuhod sa harap ng bata.

Mikha: "Uhm, bata. Ikaw ba si Chelzie?"

Chelzie: "Opo, ako nga po. Ano pong kailangan niyo sa Lola ko na si Nanay Elsa?" Tanong nito kaya naman nagalak si Mikha na makita ang bata na nakilala niya noon.

Mikha: "Ako toh, Chelzie! Si ate Mikha mo!" Masayang sambit nito at lumaki naman ang mata ng bata at biglang niyakap si Mikha.

Muntik pang matumba ang dalawa dahil sa biglaang pagyakap ng isa ngunit nakabalanse naman agad si Mikha.

The President's Daughter (Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon