Chapter 69 - Fragile

2.8K 85 16
                                    

Author's note: ⚠️ Trigger warning! Skip niyo nalang kung hindi niyo keri huhu. Btw, good night po. May exam pa ako huehue.




Third person POV:

Mansion

Colet: “Ano nangyari?! M-maloi, bakit ka umiiyak?”

Bungad na tanong nito habang inaalalayan si Sheena bumaba sa hagdan habang sila Maloi, Stacey, Jhoanna, Mikha, at Aiah ay nasa living room at hindi mapakali.

Maloi: “B-bakit siya pa.” Nahihirapang sambit nito habang umiiyak, yakap-yakap ito ni Aiah na sobra na ring naaawa sa itsura ng kaibigan nito.

Pagkatapos tumawag ng guard ng subdivision kay Mikha ay ibinalita niya agad ito, sakto naman ang pagdating ng mensahe kay Maloi kaya ibinahagi niya rin ito sa iba.

Colet: “Maloi, patingin nga ng phone mo.” Sambit nito at binasa ang mensahe ng isang unknown number.

Sheena: “S-si Bebe.” Naiiyak na sambit nito habang mahigpit ang hawak sa kamay ni Colet.

Maloi: “Ku-kung kelan talaga mas na-nararamdaman yung sobrang s-saya, saka naman dumadating ang trahedya.” Iyak na sambit nito kaya naman nilapitan na rin ito ni Stacey upang patahanin.

Colet: “Mikhs, ano balita?” Tanong nito sa isa.

Mikha: “S-sa ngayon ate, wala pang balita. Ang sabi lang sa akin ng guard na pinaputukan daw sila ng m-mga sakay nung van kaya nagpatawag ako ng new set of guards sa loob ng subdivision. Sa ngayon daw, 'wag daw muna tayong lumabas dahil baka tayo ang mapahamak.” Kinakabahang sambit nito. Tila hindi na rin mapakali na ang kaibigan niya ang sinunod na target.

Colet: “Wala bang nagmessage sa'yo?” Paninigurado nito.

Mikha: “W-wala ate, wala na akong tinatago.” Sambit nito at nag-iwas ng tingin kay Colet.

Colet: “Tsss, meron o wala lang ang sagot. 'Wag ka masyadong defensive, napaghahalataan ka eh.” Malamig na tugon nito sa isa.

Jhoanna: “Ate Colet, masyadong mainit ulo mo kay, Mikhs. Pwede bang itigil mo 'yan at gumawa tayo ng paraan para kay Gwen?” Pagdedepensa nito.

Colet: “Ni-isang impormasyon nga wala tayong makuha, gumawa pa kaya ng paraan.” Matigas na sambit nito na ikinagulat ng lahat.

Isa si Colet sa kalmado at maintindihan sa lahat ngunit tila parang ang awra nito ay nakakatakot at hindi maka-usap ng maayos.

Sheena: “Nicolette, pwede bang umayos ka, mga kaibigan mo 'yang kinakausap mo, hindi lang basta ibang tao.” Seryosong sambit nito sa kasintahan kahit na kanina pa ito umiiyak.

Colet: “Baka kasi may tinatago na naman eh, at least kahit papaano may impormasyon tayo 'di ba?” Pagmamatigas pa rin nito, tila hindi pa rin nasisiyahan sa mga sinasagot ni Mikha.

Mikha: “Wala ate Colet, maniwala ka sa akin.” Sambit nito habang nakatingin sa nakakatanda.

Colet: “Siguraduhin mo lang, Mikhaela. Dahil ni minsan, hindi nagkamali lahat ng mga kutob ko.” Sambit nito at gigil na tinuturo si Mikha kaya naman hinila ito ni Sheena.

Sheena: “Nicolette! Sabing tama na eh!” Saway nito sa kasintahan kaya tumigil na ito.

Dahil sa nabuong tensyon, hinawakan naman agad ni Aiah ang kamay ni Mikha upang pakalmahin ito.



*Tinggg

Narinig naman ng lahat ang isang pagtunog ng phone na galing kay Maloi kaya agad-agad naman nila itong binuksan.

The President's Daughter (Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon