Chapter 42 - Letters

3.6K 93 10
                                    

Malou's POV:

Nasa sala ako ngayon, hinihintay ang aking asawa na maka-uwi. Naka-upo sa isang puting upuan habang umiinom ng kape.

Simple lang ang aming tirahan. Kasya sa amin ng aking asawa at ng aming mga anak.

Nasanay na kami sa ganitong pamumuhay. Nasanay na kaming mag-asawa na magdoble kayod araw-araw.

Laking pasasalamat ko sa panginoon na binigyan niya ako ng mga mabubuting anak. Napalaki namin sila ng tama. At kasama na sa pagpapalaki namin sa kanila ang ilayo sila sa kapahamakan. Ilayo sila sa katotohanan.

Kung malaman man nila, sana hindi sila magalit sa katotohanan dahil maraming tao ang gustong pumatay sa kanila. Hanggat hindi sila nauubos, hindi sila titigil.

Wala akong karapatan para itago ang katotohanan, ngunit ramdam ko na malapit na nilang malaman. Lalo na nang malaman kong dalawang beses nang muntik may kumuha kay Aiah. Buti nalang at binabantayan siya ni John at ni Mikhaela.

Lim at Arceta lang ang magkakampi ngayon at wala akong balak na tanggihan ang mga tulong nila lalo na at kaming Lim at Arceta ang pinupuntirya nila.

Halos araw-araw may body guard sa bahay namin. Ito raw ay bilin ng mga Lim. Nagpapanggap silang sibilyan araw-araw para hindi mahalata ng kalaban.

Ina-update naman ako ni Mikha sa mga nangyayari kay Aiah kahit na hindi nagsasabi ang anak namin. Alam kong ayaw lang niyang mag-alala kami kaya itinatago niya. Ngunit hindi niya alam na lagi kong nakaka-usap si Mikha. Buti nalang at maaasahan ang batang iyon. Sobrang bait katulad ng mga magulang niya. Maaalalahanin siya sa amin na para bang parte rin kami ng pamilya niya.




*Tok tok tok

Natigil ang aking pag-iisip ng marinig ko na may kumakatok sa labas ng bahay. Mukhang asawa ko na 'yon.

Benedict: "Hon! I'm home." Sigaw nito sa labas kaya pinagbuksan ko ito ng pinto.

Lagi ko itong sinasalubong tuwing uuwi ito. Lagi siyang nakangiti at laging may salubong na halik sa tuwing pagbubuksan ko siya ng pinto. Ma-edad na kami ngunit hindi mawawala ang pagmamahalan namin sa isa't-isa.

Nagulat naman ako ng buksan ko ang pinto. Malungkot ang mukha nito, hindi tulad ng mga nakaraang araw na malalawak ang ngiti nito. May pangamba ang mga mata niya. Pag-aalala para sa aming pamilya.

"Bakit, Hon? May nangyari ba?" May pag-aalalang tanong ko rito at pinapasok siya.

Umupo naman ito sa sofa at napabuntong hininga.

Binuksan niya ang case niya at doon inilabas ang isa pulang sobre kaya binuksan ko ito at binasa ang sulat.





Dear Mr. and Mrs Arceta,

                   Magandang gabi sa nag-iisang natitirang pamilya ng mga Arceta. Kung ako sa inyo, ihanda niyo na lahat ng mana niya at ibigay sa amin. Kung ayaw niyo, uubusin nalang namin ulit kayo katulad ng ginawa namin dati. Subukan niyo lang magsumbong, at mauulit ang nakaraan niyo.

Red hawk🦅





Lubos na ikinakaba ko ang aking mga nabasa. Tila ba nawalan ako ng lakas at napa-upo sa tabi ng aking asawa. Buti nalang nasa ibang bansa si Bryan para sa kanyang trabaho, ngunit mas inaalala ko si Aiah dahil siya ang bunso.

"H-hon. Si Aiah, ano na ang gagawin natin?" Sambit ko na may halong takot saka hinawakan at pinagsaklop ang aming kamay ng aking asawa.

The President's Daughter (Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon