Aiah's POV:
Pagkatapos naming pumunta kela Nanay Elsa ay lumipat agad sila sa bahay na inalok ni Mikha. Inasikaso agad namin ang dalawa.
Kita ang saya sa mukha ni Mikha na maaalagaan niya ang dalawa sa poder nito.
Pagkatapos nito ay bumalik na rin kami sa mansion upang makapagreview para sa mga susunod na araw ng exam.
Tuwing matatapos ang exam namin ni Maloi, laging nakatambay si Mikha sa labas ng pintuan ng room namin. She's always waiting for us and inviting us to eat lunch. But Maloi always reject her kaya ang ending, kaming dalawa ang laging nalabas.
Katulad ng mga nakaraang araw, nagiging makwento na siya. Lagi na siyang nakangiti na ikinagulat rin ng mga kaibigan namin.
Minsan nga kinakabahan ako kasi sabi sa akin ni Dad noon na ang mga masasayang araw ay may kapalit na kapahamakan ngunit isinawalang bahala ko nalang iyon. Masaya naman kami ngayon at walang makakapigil dito.
Makalipas ang exam week ay binigyan kami ng University ng one week vacation. Nagcocompute na rin kasi ang faculty ng grades for first semester.
Sa project naman namin ni Mikha, hindi namin hinahayaan na walang progress araw-araw ang gawa namin.
Third person POV:
Stacey: "Haysss, buti nalang may rest. Naubos yata brain cells ko sa exam." Sambit nito habang naka upo sa sofa at nakapikit ang mga mata.
Sheena: "Beh, parang last last week, puro make-up ka lang ahhh." Pang-aasar nito sa isa. Ito naman ay naka-upo rin.
Stacey: "Excuse me, tutor ko kaya si Jho. Pinipilit ako lagi no'n magreview kahit tinatamad ako!" Pagtataray nito sa kaibigan ngunit nginitian lang siya ng isa.
Sunod-sunod namang bumaba ang anim upang magpahinga sa living room.
Gwen: "One week break! Badly need it." Sambit nito habang naka-upo na rin sa sofa.
Saturday 9 am ngayon at kakatapos lang ng exam nila kahapon. Kakagising rin halos ng lahat kaya sabay-sabay silang bumaba. Halos ramdam pa rin nila ang sakit ng ulo at pagod dahil sa nakaraang exam.
Buti nalang at nabigyan sila ng mahabang pahinga para mabawi ang lakas nila para sa susunod na semester.
Colet: "Arghhh! Sakit pa rin ng ulo ko." Inis na sambit nito at napapapikit nalang dahil sa sobrang sakit. Bigla naman itong umupo sa isang sofa habang hinihilot ang sariling sintido.
Tumayo naman agad si Sheena at pumunta sa likod ni Colet para hilutin ang ulo nito.
Maloi: "Haysss, buti pa yung tatlo. Chill lang. Mga brainy kasi eh." Sambit nito at biglang humiga sa lap ni Gwen at hinilot ang sariling ulo.
Aiah: "Awww, you deserve all the rest, guys." Sambit nito sa mga kaibigan at tila ba naaawa ngunit masaya ito dahil nakayanan nila at nalutasan ang kanilang exam.
Jhoanna: "Ako na magtitimpla ng coffee niyo. Mas malala pa kayo sa may hang-over eh." Sambit nito at dumeretso sa kusina para magpatulong sa kanilang maid.
Sa isang sulok naman ay nakatayo si Mikha at pinagmamasdan lang ang mga kaibigan nito. Masaya siya dahil may mga kasama siyang may pare-parehas na pinagdadaanan at gustong makamit sa buhay.
Gusto nilang makapagtapos lahat, ginawa nilang motivation ang isa't-isa para mag-aral ng mabuti.
Walang masamang ehemplo sa kanilang magkakaibigan, bagkus, nagtutulungan ang mga ito sa pagrereview kahit magkakaiba ito ng course at year.
BINABASA MO ANG
The President's Daughter (Major Editing)
FanfictionTwo opposite worlds come together. How will they establish harmony after their initial encounter was unfavorable? Would you be open to befriending someone whose life is constantly in danger? Are you prepared to take risks for the person you love, ev...