Chapter 70 - Fear

2.8K 84 29
                                    

Third person POV:

Halos ang lahat ay nagtipon-tipon sa silid ni Gwen. Pinatawag ni Mikha ang doctor na naggamot kay Sheena para gamutin si Gwen sa loob ng mansion sa kwarto nito.

Ginamot ang mga sugat na natamo. Tinahi ang mga sugat na medyo malalim dahil sa pagkakahiwa ng bubog.

Doc: “I suggest na samahan niyo lang siya lagi. Medyo na-trauma si Gwen, and I'm sure na 'yang mga hiwa na 'yan ang magsisilbing ala-ala niya sa araw na ito kaya gabayan niyo siya.” Sambit nito sa pitong magkakaibigan na sobrang nag-aalala kahit na nakakaramdam na sila ng antok at pagod.

It's already 12 am at halos walang may gustong matulog. Hinihintay ang paggising ng kanilang kaibigan.

Colet: “May balita daw ba?” Tanong nito habang nakatingin sa labas ng bintana ng kwarto ni Gwen.

Mikha: “Sabi ng mga guards na most of them got shot and dalawa lang ang naka-iwas. Nilusob rin daw yung system ng cctv kaya we didn't get any evidence.” Bigong sambit nito habang naka-upo sa sahig na malapit sa pintuan.

Colet: “Tss, bwiset. Sunod-sunod na, iniisa-isa na tayo.” Gigil na sambit nito.

Mikha: “ Don't worry, ate. Ligtas tayo as long as andito tayo sa mansion at magkakasama tay—” Pagpapagaan ng loob nito sa kanyang kaibigan ngunit sumingit ito.

Colet: “Ligtas?! Ito ba yung sinasabi mong ligtas, Mikhaela? Ligtas ba talaga kami?” Lumingon ito sa mas bata at gigil na nagsalita kaya naman agad na natahimik si Mikha.

Mikha: “Sorry ate, I-i'll try my best para m-mahuli sila.” Takot na sambit nito sa kaibigan.

Colet: “Tsss. Are you even trying?”

Jhoanna: “Ate Colet, kalma lang. Pwede bang isantabi mo muna 'yang inis mo kay Mikha at magpahinga ka nalang?” Mahinahon na sambit nito sa kaibigan.

Colet: “Magpahinga?! 'Yun lang ba gagawin natin sa t'wing may napapahamak?!” Sambit nito kaya naman natahimik nalang si Mikha at napayuko. Agad namang lumapit si Aiah rito upang damayan ito.

Aiah: “I'm here, Jiā. Kasama mo ako sa laban mo.” Sambit nito sa kanyang minamahal.

Jhoanna: “That's not the point, ate!
Ang sa akin lang, 'wag mong isisi kay Mikha lahat ng nangyayari!” Paglaban nito sa isa kaya agad na pinigilan ni Sheena at Stacey ang dalawa.

Colet: “Then what?! Hanggang dito nalang tayo? Crying over our unconscious friend, waiting for her to wake up. Then what's next?! Yung iba naman ang sunod na target, tapos wala na namang sapat na ebidensya, tapos ulit na naman sa simula?! 'Yun nalang ba cycle natin?”

Jhoanna: “Akala ko ba walang sisihan dito? Bakit parang pinapalabas mo na kasalanan pa niya lahat ng nangyayari? Ate Colet, dapat nagtutulungan at nagdadamayan tayo dito! Hindi yung naghahanap pa ng masisisi!”

Sheena: Mahal, Colet! Magtigil ka!” Pag-aawat nito.

Stacey: “Jhoanna, kalma muna.” Malambing na sambit nito dahil ito ang unang beses na nagtaas ng boses ang dalaga at unang beses na nagkasagutan sila ni Colet.

Agad namang lumingon si Colet sa gawi ni Mikha. Tila inis ang kanyang nararamdaman sa isa noong mga nakaraang araw.

Ang hindi pagpapansinan ay para bang matatagalan bago bumalik sa dati.

Colet: “Tss. Magsama kayo.” Bulong nito ngunit sapat na para marinig ng lahat. Umiwas naman agad si Colet sa pagkakahawak ng kanyang kasintahan at umupo sa sofa.

The President's Daughter (Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon