Chapter 15 - Bunso

4.4K 95 0
                                    

Third person POV:

It's saturday at nasa bahay ngayon nila Sheena si Aiah, Maloi, and Stacey dahil magssleepover ito at pupunta sila sa sementeryo mamaya.

Amma: "Oh mga apo, buti at naparito kayo. Kay tagal na rin ng huli niyong dalaw." Salubong nito sa mga bisita. Kakadating lang kasi ng tatlo at sinundo ito ng driver nila Sheena.

Ampa: "Ay kagagandang mga dilag ng aking mga apo! Parang dati lang ay anliliit niyo pa." Sambit nito. Sinalubong naman ng mga bisita ang matatanda ng yakap at nagmano rito.

Aiah: "Namiss po namin kayo, Amma and Ampa." Sambit nito habang yumakap sa matatanda.

Stacey: "Don't worry Amma and Ampa, magtitiktok po tayo mamaya." Sambit nito at malawak na ngumiti sa matatanda na ikinatawa ng mga ito.

Maloi: "Pasensya na po dahil medyo marami na po kaming ginagawa sa University pero tuwing libreng oras po namin ay dadalaw po kami kaagad dito." Masayang sabi rin nito.

Pinagmamasdan lang sila ni Sheena. Malawak ang ngiting nakatitig sa mga kaibigan nito at grandparents. Masaya ang kanyang nakikita ngunit araw-araw ay hindi niya maipagkakaila na laging may kulang, at ang kulang na iyon ay hindi na mapupunuan pa.

Amma: "Kain muna kayo ng umagahan bago umalis mga apo. Sheena, apo, una na kayo sa lamesa, susunod kami ni Ampa mo sa inyo."

Sheena: "Sige po, Amma." Sabi nito na nakangiti at sabay-sabay na ang magkakaibigan para kumain.

Itinaas naman ng mga maids ang gamit ng mga kaibigan ni Sheena habang ang ibang kasambahay ay hinanda ang pagkain sa lamesa.

They were eating, ang mga bisita ay nag-uusap habang si Sheena ay nakikinig lang at kumakain. Not the usual Sheena na madaldal. Ramdam naman ito ng mga bisita kaya 'di nalang ito pinansin ng tatlo dahil ayaw na ayaw ni Sheena na pag-usapan ang mga bagay na ikalulungkot nito.

Sheena: "Oh! I almost forgot mga Ate." Sambit nito kaya napahinto sa pagkain ang mga bisita. "Ate Colet and friends will stay here din po. Para quits noong nagsleepover tayo sa kanila hehe." Sambit nito na nakangiti para 'di mag-alala ang mga kasama.

Stacey: "Makikita ko na naman pala ang basher ko na mas makapal pa ang mukha kesa sa salamin niya." Sambit nito at napatawa naman nito si Sheena kaya napangiti ang mga bisita dahil dito.

Jhoanna: "Rinig ko 'yon Sevilleja! Gusto mo bang ibuhos ko sayo itong kape mo!" Sambit nito na kakarating lang.

Colet: "Mano po, Amma and Ampa." Sambit nito at nagmano sa dalawang matanda at sumunod naman si Jhoanna at Gwen.

Amma: "Kaawaan kayo ng diyos mga apo."

Ampa: "Ayy sino naman yung isang kasama niyo? Ay kagandang dalaga! Aba, gwapo rin yata." Sambit nito na ikinatawa nila Colet, Gwen, at Jho.

Colet: "HAHAHAHA Ampa, si Mikha po. Kaibigan po namin saka nila Sheena." Pagpapakilala nito.

Mikha: "Good morning po, Ma'am and Sir." Sambit nito at nagmano sa matatanda.

Amma: "Apo, Amma at Ampa nalang din tutal parte ka na ng pamilya ni Sheena kaya pamilya mo na rin kami." Nakangiting sabi nito kay Mikha kaya napalaki naman ang mata ni Mikha at ngumiti ng tipid.

The President's Daughter (Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon