Chapter 54 - They already know

3.9K 89 21
                                    


Colet's POV:

It's 7 in the morning and we really need to go home because staying here may get us into trouble.

We were supposed to go home on Sunday but Michael 's revelation happened so we need to go home today, Friday.

No one wants to utter a single word. Siguro ay dahil kakagising lang at wala sa mood o kaya hindi pa rin makapaniwala ang lahat sa mga nangyari kagabi at sa mga susunod na araw. Walang kasiguraduhan.

Mikha: "Ready na ba lahat?" She asked at tumango naman kaming pito.

Nauna na kami sa van ni Sheena habang ang iba ay nasa cabin pa at kumakain.

Halos 'di na ako makatulog kagabi dahil ang bilis kumalat ng video ukol sa rebelasyon ng pagkatao ni Mikha. Nag-aalala ako sa kanya, marami na siyang napagdaanan, sana naman 'wag nang lumala. Napahinga nalang ako ng malalim.

Sheena: "Lalim naman niyan. Parang hanggang inner core." She joked to made the atmosphere light. "You can tell me everything, mahal." She said and held my hand at napangiti naman ako dahil ito ang unang beses na tinawag niya akong mahal.

"Natatakot ako para sa kaibigan ko." I said at nawala ang ngiti sa mga labi ko habang nakatingin lang sa kanya. "Silang dalawa nalang ng tatay niya, paano kung isa sa kani—" She immediately cut me off and cupped my cheeks with her both hands.

Sheena: "Walang mangyayaring ganyan, okay? Alam kong takot ka. At takot rin kami. Think positive, Nicolette. Matatapos rin toh." She said kaya natahimik ako. She let go of my cheeks and held my hand.

Sobrang nag-aalala ako ngayon. Ayo'kong matulad ang nakaraan na lalayuan namin siya dahil delikado siya paglumapit sa amin. Ayo'kong iwan siya habang nagdudusa siya sa problema niya tulad ng ginawa namin. Tatlong tao ang nawala sa kanya tapos yung tatlong mapapagsabihan niya ay nilayuan siya, 'di ko ma-imagine kung gaano kasakit iyon kay Mikha.

"Masyadong personal na toh but, can I ask something, Baby?" I asked her kaya napatingin ito sa akin. She just smiled showing off her dimple while waiting for my question. You look pretty as always. Pwede bang itago nalang kita para 'di ka na titigan ng iba?

"W-what did you feel n-noong nawala si Tita?" I finally asked at hindi nawala ang mga ngiti nito sa labi niya. She's such a strong and brave girl with a soft heart.

Sheena: "Syempre sobrang sakit. Pero alam kong nandito lang siya." She said and put her hand on her chest. "Hindi ko na siya maibabalik kung magmumukmok lang ako kaya mas pipiliin ko nalang maging masaya dahil hindi natin hawak ang oras natin. Kaya as much as possible, I want to enjoy my life with everyone, especially with you." She said that made my heart flutters.

"I just feel sad. Feeling ko ang tanga ko noong nawalan kami ng koneksyon kay Mikha. Humihingi kami ng update kay Tito noong nasa US si Mikha. Minsan nababalitaan nalang naming nasa ospital siya dahil minsan na niyang sinubukang tapusin ang buhay niya. Lagi siyang laman ng bar, kaliwa't kanan ang mga nakakasamang babae. Wala siyang mapagsabihan ng problema niya noon. Napabayaan niya sarili niya kaya feeling ko kasalanan din naming mga kaibigan niya." I said and lean my head on her shoulder. Bigla nalang ako napaluha habang iniimagine lahat.

Sheena: "Nagalit ba siya?" Tanong nito at napatawa nalang ako ng malungkot.

"Haha 'yun nga ang mas masakit eh, hindi siya nagalit. Kaya feeling ko sobrang laki ng kasalanan namin sa taong walang ginawa kung 'di unawain at mahalin kami. Mas gusto ko pang magalit siya kasi kahit sino mang tao ang maiwan, for sure sobrang sakit no'n sa taong 'yon, at kahit saang parte mo pa tingnan, mali iyon ng taong nang-iwan lalo na at umiwas sila ng walang paliwanag. Naglaho sila ng walang paalam." I said and tightened my grip on her hand.

The President's Daughter (Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon