Third person POV:Nasa van ngayon ni Mikha ang mga magkakaibigan. Matapos ang trahedya kanina ay ipinatawag ni Mikha si Colet and Sheena upang umuwi ang lahat sa mansion nila.
Tahimik ang lahat at tila nagpapahinga dahil sa nangyari kanina.
Colet: "Dalawang beses na nangyari ito. Ano ba gusto nila kay Aiah?" Sambit nito at rinig iyon ng lahat ngunit walang ideya ang lahat sa nangyayari.
Gwen: "Nakakapagtaka nga eh, na bakit si Aiah ang hinahanap nila? Bakit hindi si Mikha?" Sambit nito na ikinataka ng iba.
Stacey: "Bakit naman si Mikha? May mga kaaway ka ba, Mikhs?" Takang tanong nito ngunit hindi alam ni Mikha ang isasagot niya.
Jhoanna: "Marami kasing kaaway 'yan si Mikha sa US, sa mga bar na napuntahan niyan. Malay mo sinundan siya dito." Pagpapalusot nito para hindi na muling magtanong ang isa.
Sheena: "Eh bakit si ate Aiah pinag-iinitan nila?" Takang tanong nito ngunit walang nakuhang sagot.
Stacey: "Baka naman mga inggetera 'yan kaya pinapakidnap si ate Aiah para 'di siya lamangan."
Mikha: "Don't worry guys, papadagdagan ko mga guards sa paligid."
Stacey: "Guards? Hindi naman siguro kami ganoon kalapit sa disgrasya para kailanganin ng taga-bantay diba? Saka bakit ba ang dami mong body guard?"
Aiah: "Staku pwede ba, 'wag ka na makipagtalo. Okay na rin 'yon. May mga nangyayari na nga sa akin eh, baka mamaya kayo pa isunod." Walang ganang sambit nito habang nakapikit ang mga mata.
Namutawi ulit ang katahimikan habang si Mikha naman ay itutuloy na ang kanyang plano.
Mikha: "Guys." Sambit nito kaya naalerto ang lahat. "I suggest na doon muna tayong lahat sa mansion hanggat hindi nahuhuli ang mga taong 'yon. May mga bantay rin doon para safe kayo. Sa mga parents niyo, I've already sent them an email and pumayag naman sila. Don't worry 'cause I also have guards around their area just for them to be safe." Bigla naman napatingin si Colet kay Mikha at patagong napangiti ito.
Sheena: "Planadong-planado haa." Sambit nito at napapa-iling nalang.
Colet: "I agree with Mikha." Sambit nito kaya napangisi rin ang isa. "Mas mabuti kung doon muna tayong lahat. Besides, magkakakilala naman na tayo. Malapit na rin ang exam, we can help each other." Pagpapagaan nito ng usapan.
Gwen: "I second the motion."
Jhoanna: "How's ate Maloi pala?" Tanong nito at napatingin kay Gwen.
Gwen: "Okay naman, nakatulog. Medyo nahilo lang dahil sa kupal na lalake kanina." Mahina ngunit galit na sambit nito.
Habang si Aiah ay nakaramdam ng pag-aalala at guilt dahil sa mga nangyayari.
Aiah: "Sorry guys." Sambit nito kaya napatingin ang anim sa kanya lalo na ang katabi niya. "Pati kayo napapahamak. Hayaan niyo, babawi ako sa inyo." Dagdag pa nito habang nakapikit.
Sheena: "Wala kang kasalanan, ate Aiah. Mahuhuli rin natin sila. Siguro way ito ni Lord para pagsama-samahin tayo." Nakangiti at positive na sambit nito.
___________________
Nakarating naman ang walo sa mansion. Ipinakuha na rin ni Mikha ang mga gamit ng kaibigan niya sa mga body guards niya sa kanya-kanyang mga tahanan nito para hindi na mahirapan ang mga kaibigan nito.
Ang iba naman ay inaasikaso ang isa't-isa dahil may mga natamong pasa at munting sugat ang mga ito.
Gwen: "May masakit pa ba sayo bukod dyan? Need mo pa ba ng yelo? Nahihilo ka pa rin ba?" Nag-aalalang tanong nito kaya naman napangiti ang isa sa kinikilos nito.
BINABASA MO ANG
The President's Daughter (Major Editing)
FanfictionTwo opposite worlds come together. How will they establish harmony after their initial encounter was unfavorable? Would you be open to befriending someone whose life is constantly in danger? Are you prepared to take risks for the person you love, ev...