Chapter 92 - This is my home

3.8K 108 13
                                    

Aiah's POV

Busy day like the past few days. Everything have been a repetition for me. Waking up in the morning for classes, working in the afternoon, and resting after.

It becomes a routine. Setting aside my wants and focusing on what I need. It felt like I was born again. Having a new run of life, different from what I have before.

*Tok tok tok

"COME IN!" The door opened that made me pause from what I am doing.

Bigla akong napatigil. Nabigla ako sa pumasok. Nabigla ako sa nakikita ko. Shocked was evident together with fear. Buhay ka? Buhay si Mikha?















"S-SINO KAYO?! A-anong ginawa niyo sa kanya!? MIKHA!" Screaming as if maririnig ako ng taong duguan, walang-malay, at mukhang patay na dahil sa mga natamong pasa at sugat nito sa katawan.

Halos hindi mo makikilala ang itsura niya. Pero hindi ako magkakamaling si Mikha ito dahil kilalang-kilala ko siya. She's Mikha. She's my Mikha.

She was held by a group of guys wearing a half mask and holding guns. Her hands were tied. Kitang-kita ang panlalambot ng tuhod nito. Ang mga dugo na kumakawala sa mga sugat nito ay malayang tumutulo. Mga dugong sariwa pa na parang kakabugbog lang kanina.

"Anong ginawa niyo sa kanya?!" Sinubukan kong lumapit sa kanya ngunit tinutukan nila ako ng baril kaya napatigil ako sa aking hangad.

Guy 1: "Tingnan mo nga naman. Nagkita na ulit kayo ng girlfriend mong akala mo'y patay na. Pero ngayon, masasaksihan mo na kung paano siya mamatay!" Sambit ng tunog unggoy na lalakeng naka-maskara at binitawan si Mikha dahilan upang humandusay ito sa sahig, ngunit hindi ko pinansin ang sinabi nito dahil tinitingnan ko pa rin ang babaeng matagal ko nang hindi nakikita.

Hindi ako makapaniwalang buhay siya. Oo, kahit walang malay ay kita ko ang paghinga niya. "Mikha! L-love, gumising ka dyan!" I shouted for her to hear me. I tried to go near her pero tinutukan na naman ako ng baril ng mga bwiset na ulikbang kaharap ko. Tsss, as if natatakot ako sa inyo.

"Mukhang papatayin niyo na nga kami tapos hindi niyo pa ako papalapitin?!" Galit at mataray na sambit ko dito ngunit tinawanan lang ako ng mga ito.

Guy 1: "Napaka-tapang mo naman Ms. Arceta." Naka-ngiting sambit nito sabay signal sa kanyang kasamahan kaya naman lumapit ang isang lalake kay Mikha.

Guy 2: "HOY GISING! Samahan mo muna girlfriend mo dito bago ka namin patayin!" Gising nito sa babaeng walang malay at biglang tinadyakan ito dahilan upang mapa-ubo ito ng dugo at magising.

Mikha: *Cough

"MIKHA!" I tried to come closer pero tinutukan naman nila ng baril si Mikha na ikinaramdam ko ng takot.

Guy 3: "Sige lumapit ka kung ayaw mong pasabugin ko ulo nito!" Please not her.

"'WAG! ANO BANG GUSTO NIYO!? Pera ba?! Bahay?! Sasakyan?! NAME IT! Ibibigay ko lahat sa inyo!" Sigaw ko sa mga ito habang sinusulyapan ang mahal ko na pinipilit imulat ang kanyang mata.

Dapat matapang ako sa harap nila. Dapat hindi nila nakikitang takot ako. Takot na baka mawala na naman siya. Seeing her in this state makes me hate myself dahil wala akong magawa. Ito na yung chance na buhay siya at makabawi ako sa kanya pero wala pa rin akong magawa. Tulad pa rin ng dati, siya ang nagsasakripisyo sa aming dalawa habang wala akong magawa.

Guy 1: "Oh Ms. CEO, asan na ang tapang mo kanina? Bakit lumuluha ka na dyan?" Pang-aasar ng mga lalakeng nagpahirap sa kanya ngunit hindi ko ito pinansin.

The President's Daughter (Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon