Chapter 27 - Questions

4.1K 98 6
                                    

Third person POV:

Dugout...

Sheena: "Saan sila ate Aiah at Mikha?!" Pag-aalalang tanong nito.

Gwen: "Naiwan ata sila sa labas." Kalmadong tugon nito.

Sheena: "N-no! Nagpuputukan na sa labas! Dapat kanina pa sila dito! B-baka kailangan n-nila ng tulong."

Colet: "Don't worry, Shee. Maraming bantay si Mikha. You don't have to worry." Paninigurado nito at pinakalma si Sheena.

Stacey: "Bakit nga pala ang daming body guards ni Mikha? 'Di naman siya artista."

Maloi: "Oo nga. I saw her yesterday na andami niyang inuutusan na magbantay for today's game." Sambit nito at nagkatinginan nalang ang tatlo.

Colet: "Siguro 'wag niyo nalang pansinin yung mga nakikita niyo kay Mikha. Let her tell it to you guys kapag ready na siya." Sambit nito na ikinataka ng tatlo at naghihintay nalang ng mga taong magrerescue sa kanila.







Next day...


Detective: "Apollo Quezon Rodriguez, 32 years old. Former Government Security Guard na ngayon ay  kabilang sa grupong "Red Hawk" na sankot sa iligal na pagbebenta ng mga limpak-limpak na droga. At ito ang unang beses na nakahuli kami ng katulad mo."

Bigla namang may pumasok sa silid.

Secretary: "Padating na si Master. Nakapagsalita na ba 'yan?"

Detective: "Ayaw nga eh." Sambit nito rito at lumingon kay Apollo. "Kung ako sayo, nagsasalita ka na. Masamang ginagalit si Master."

Apollo: "Wala akong pake sa inyo! Wala kayong makukuha sa akin! Patayin niyo nalang ako!"

Detective: "Whoa, chill! Mabubuting tao kami. 'Di kami katulad ng grupo mong maraming inosenteng tao ang pinapatay."

Apollo: "Tanga ka ba? Malamang utos sa amin 'yon, edi kami ang kawawa kung 'di namin sinunod, bobo!"

Secretary: "Andyan na siya, sunduin ko lang." Sambit nito at lumabas ng silid.

Detective: "So anong pakay niyo kag Ms. Arceta?"

Apollo: "Wala akong alam." Seryosong sambit nito.

Detective: "Imposible!"

Apollo: "Eh sa wala n—"

Hindi natapos ang sasabihin nito nang pumasok ang secretary kasunod ang dalawa pang body guard at ang master nila.

Apollo: "Ikaw na namang bata ka? Wala kayong makukuha sa akin!"

Nakaposas si Apollo habang nakaupo ito sa silya at sa harap naman nito ay isang mahabang lamesa.

Dumeretso naman ang bagong dating sa kabila ng lamesa.

Master: "Let's get straight to the point, may klase pa ako." Seryosong sambit nito habang nakatingin sa lalaki. "Anong kailangan niyo kay Arceta?" Nagtitimping sambit nito. Kitang-kita ang pagka-inis nito sa mukha.

Apollo: "Mag-aral ka nalang bata dahil wala kang mapapala sa akin!" Mapang-asar na sambit nito. Mukhang galing pa ito sa paggamit ng droga dahil namumula pa ang mga mata nito.

Napayuko naman si Master at malakas na hinampas ang lamesa.

Master: "Isang tanong, isang sagot Rodriguez! ANONG KAILANGAN NIYO KAY AIAH?!" Nanlilisik na pagkakasabi nito.

Apollo: "Ang kulit mo bata. Inutos nga lang sa amin! Ayun lang! Wala ng iba!" Sambit nito at napabuntong hininga nalang si Master.

Master: "Siguro naman ito masasagot mo.....Sino ang mastermind niyo? Dahil 3 taon na, hindi pa rin kayo mahuli-huli!" Halos lumabas na ang mga ugat nito sa sintido dahil sa galit.

The President's Daughter (Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon