Chapter 68 - Broken glass

3.1K 88 7
                                    

Third person POV:

Sunday....

Makalipas ang apat na araw ay nasa mansion lang ang magkakaibigan at binabantayan ang pagrecover ng kanilang bunso.

Apat na araw na rin ang nakalipas ng magsimula sila ng home schooling. At apat na araw na rin na malamig pa rin ang pakikitungo ni Colet sa malapit na kaibigan nito.

Sheena: "Mikhs, why are you here alone? Ayaw mo ba sumali sa kanila?" Pagsingit nito kay Mikha na mag-isang nakatambay sa may veranda.

Mikha: "Oh why aren't you in your wheelchair?" Tanong nito at hindi pinansin ang sinambit ng bagong dating. Umirap naman dito si Sheena.

Sheena: "Excuse me, sa tagiliran po ako nabaril, hindi sa legs." Mataray na sambit nito at tumabi kay Mikha. Naging alerto naman si Mikha at tinulungan ito maka-upo dahil hindi pa masyadong magaling ang mga sugat nito.

Pagka-upo ng dalawa ay biglang natahimik ang dalawa, tila nagpapakiramdaman kung sino ang magsasalita.

Sa mga nakalipas na araw, tila naging tahimik at mapag-obserba si Mikha sa paligid niya. Marami siyang iniisip na hindi niya pwedeng sabihin sa mga kasama niya.

Madaming gumugulo sa isip niya na bawal niyang ibahagi sa iba kaya nagkakaganito ito. Kahit pilitin siya ni Aiah ay wala itong sinasabi sa isa.

Sheena: "Nakwento sa akin ni Nicolette." Panimula nito kaya napatingin sa kanya ang isa. "And I'm not disappointed haaa, kung 'yun ang iniisip mo. Gusto ko lang na bumalik na kayo." Sambit nito at ngumiti sa gawi ng dalaga.

Mikha: "Kung alam mo lang, I really want na pansinin na ako ni ate Colet. Kaso....." Usap nito ngunit napatigil siya at inisip ang mga itinatago niya.

Sheena: "Kaso?"

Mikha: "U-uhm, wala." Sambit nito kaya napabuntong-hininga nalang si Sheena.

Sheena: "Kung kilala ka na nila ate Jho, pwes, mas kilala kita kahit na hindi tayo ganoon katagal magkakilala. Kung ano man 'yang tinatago mo, I'm sure para sa amin 'yon. Pero 'wag mo kalimutang alagaan sarili mo. Since the incident, you've been too occupied, Mikhs. Nag-aalala na sa'yo si ate Aiah. Hindi ka daw niya maka-usap ng maayos. Hindi na rin siya makatulog kakaisip sayo." Sambit nito na ikinagulat ni Mikha. Hindi na niya namamalayan na pinag-aalala na niya pala ang mga taong nasa paligid niya lalo na ang pinaka-inaalagaan niya.

Sheena: "Nag-aalala na kami sa'yo. Hindi ka namin pinipilit na i-open sa amin yung mga iniisip mo, pero nag-aalala na kami na baka isang araw, mapuno ka nalang at hindi mo kayanin." She said habang nakasimangot.

Mikha: "S-sorry. Babawi ako sa inyo. Babawi ako kay Aiah."

Sheena: "Okay lang kahit 'wag na samin, kay ate Aiah ka nalang bumawi. Mas nag-aalala 'yon sa'yo." She said at sinubukang tumayo kaya naman tinulungan ito ni Sheena at pumunta na sila sa mga kaibigan nila.


Stacey: "Tangi! Pa-help nga dito sa subject na toh, wala akong maintindihan huhu." Sambit nito at ipinakita kay Jhoanna ang inaaral nito.

Jhoanna: "Ahhh ito." Sambit nito at nagsimulang ipaliwanag kay Stacey.

Maloi: "Koko, ano formula nga ulit dito? Nakalimutan ko kasing isulat sa notes ko eh." Hinging tulong nito kay Gwen.

Gwen: "Ahhh 'yan ba, andito sa notes ko yung formula niyan." Sambit nito habang ipinapakita ang notes nito kay Maloi.

Sa nakalipas na apat na araw, ganito ang laging ganap sa living room ng mansion. Nasa isang lugar lang sila tuwing nag-aaral para matulungan ang isa't-isa kapag nahihirapan sa isang subject.

The President's Daughter (Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon