Chapter 88 - Still you

3K 92 5
                                    

Lito's POV:

"Hanapin niyo si Apollo! Halos isang linggo nang walang paramdam ang lalakeng iyon!" Sigaw ko sa mga tauhan ko.

Papa: "Don't you dare fail me, Lito! Siguraduhin mong mahahanap mo 'yang Apollo na 'yan dahil baka magsumbong sa pulis na inutusan natin siyang magtanim ng bomba sa eroplano ni Lim." Galit na duro nito sa akin.

"Yes, papa. I will find him." Nakayukong sabi ko.

Papa: "Actions, Lito. Ayo'kong puro salita lang!" He exclaimed and made his way out of my office. "Isa ka pa, Angelo! Why aren't you making a move kay, Arceta? Wala nang Lim ang haharang sa'yo!"

Angelo: "She's suffering pa, Lolo. I promise you na makukuha ko ang loob niya." He said with full of confidence.

Papa: "Kayong mag-ama, baka gusto niyong bilisan! Nabawasan na ang mga kalaban natin kaya siguraduhin niyong successful ang mga plano!" He exclaimed before leaving my office kasama ang mga tauhan ko.

Agad namang pinalibutan ng katahimikan ang buong silid. Halos isang linggo na ang nakalipas tungkol sa pagkamatay ni Mikhaela Lim ngunit ipinagtataka ko na mabilis humupaw o nawala ang balita tungkol sa pagkamatay nito. Bakit ko pa ba iniisip ang batang iyon. Ang mahalaga ay wala nang haharang kay Aiah.

"When will you start approaching Arceta?" Tipid na tanong ko rito habang kumukuha ako ng alak sa mini fridge.

Angelo: "Next week po, Papa. Nabalitaan ko kasing alam na niya ang yaman at kapangyarihan niya kaya nag-iingat ako at kumukuha ng mga impormasyon tungkol sa kanya para hindi ako mahuli." Paliwanag nito sa akin.

"Siguraduhin mo lang, Angelo. Ayo'kong mapahiya kay Papa. Nakasalalay ang yaman at buhay natin rito." Usap ko sabay inom sa aking baso. Medyo nabunutan ako ng tinik sa lalamunan nang mapatay namin si Mikhaela dahil iyon talaga ang laging harang sa aming mga plano.









Third person POV:

Halos dalawang linggo na nga ang nakalipas matapos ang libing ni Mikha. Cancelled na rin ang exhibition game. Si Aiah naman ay ganoon pa rin ang sitwasyon.

Pumapasok naman ito sa kanyang online classes ngunit madalas itong tulala at wala sa sarili.

Halos araw-araw nitong iniisip si Mikha lalo na at noong nabubuhay pa si Mikha ay may ibinilin pala ito kay Reign na padalhan lagi si Aiah ng bouquet of tulips tuwing Martes at Biyernes.

Halos dalawang linggo na ang nakalipas ng pagkalibing ni Mikha, apat na bouquet na ang natanggap ni Aiah.

Lagi naman nitong inaabangan ang mga padala ngunit agad rin naman siyang nalulungkot dahil ang nagplano ng pagpapadala ng bulaklak ay wala na sa mundong ibabaw.



Flashback (Last last week, Tuesday)

It was a quiet morning habang nag-uumagahan ang lahat sa hapag-kainan. Halos nandito ang lahat pati na rin si Aiah na pinilit ni Colet sumama sa kanila na kumain ng umagahan. Ito ang unang beses na sumama ulit si Aiah sa kanila.

Ang mga magulang naman ni Aiah ay umalis na sa mansion upang asikasuhin ang kanilang restaurant.

Binalot ng katahimikan ang buong hapag-kainan. Kung noon ay puno ng mga tawanan at asaran, ngayon ay biglang naging kabaligtaran.

Sa buong umagahan nila, napansin ng anim na laging tinitingnan ni Aiah ang bakanteng upuan na katabi niya. Kita rin nila ang biglang pagtulo ng luha nito na agad naman nitong pinupunasan. Mabigat man ang nakikita ng anim ngunit nangako sila na magiging matatag sila para kay Aiah.

The President's Daughter (Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon