Third person POV:
*BANG *BANG *BANG
Tatlong malakas na tunog na umalingawngaw sa buong warehouse ang pinakawalan ng matandang Rivera sa gawi ng babaeng Lim.
Aiah: “MIKHA!” Sigaw nito at nagtago sa malapit na poste sa pwesto nito upang hindi matamaan ng bala.
Angelo: “PAPA! LOLO, BAKIT SI PAPA?!” Sigaw nito nang biglang napaluhod at napabagsak sa sahig ang hawak ni Mikha.
Rivera: “Walang dulot ang ama mo! Puro kamalasan ang dala!” Sigaw nito na narinig ng magkasintahan kaya naman nakaramdam ng awa si Aiah kay Angelo.
Takot at pagkakilabot naman ang bumalot sa katawan ni Mikha nang biglang bumagsak sa kanyang harapan ang ama ni Angelo. Agad naman nitong inilipat ang kanyang tingin sa matandang Rivera at agad na nanlaki ang mata ni Mikha nang makita nitong nakatutok sa kanya ang baril ng matanda kaya agad na umiwas si Mikha at nagtago sa isang poste.
*BANG *BANG *BANG
Aiah: “MIKHA! MALINAW ANG USAPAN, SIR RIVERA! Kung hindi ka susunod, sumuko ka nalang!” Bulyaw nito habang nakatago.
Agad namang sumenyas ang matandang Rivera sa mga tauhan nito na sumugod sa ibang palapag ng warehouse para sugurin ang mga nakapasok. Habang si Angelo naman ay hindi pa rin makapaniwala na nakatingin sa gawi ng walang buhay na ama.
Rivera: “UNANG-UNA SA LAHAT, Ikaw ang nagsimulang hindi tumupad sa usapan, Maraiah! PANGALAWA! Sa tuwing kasama mo si Lim, alam kong laging may pasurpresa ang batang iyan kaya maghahanda rin ako ng surpresa ko!” Sambit nito bago pindutin ang isang remote upang simulan ang countdown ng mga bombang nakatanim sa gilid ng warehouse.
Jhoanna: “Ate Aiah, Mikhs! May mga nahanap na Bomba ang mga tauhan ni Mikhs sa ibang floor and nagsimula nang magcountdown. 20 minutes lang ang oras bago sumabog lahat ang bomba.” Sambit nito sa kabilang linya kaya naman tinatagan na ni Mikha ang kanyang sarili upang makaalis sa warehouse.
Mikha: “FUCK YOU, RIVERA! Kung gusto mo palang mamatay, sana binaril mo nalang sarili mo!” Sambit nito matapos marinig ang ibinalita ni Jhoanna.
Rivera: “Mikha, Mikha, Mikha. Napakatapang mong bata. Naalala mo pa ba yung mga litratong ipinadala ko sa'yo noon?” Sambit nito na ikinakunot ng noo ng dalaga. “Mga litrato kung paano ko pinahirapan at pinatay ang ina at mga kapatid mo?” Pagpapaalala nito kaya naman bumalik lahat sa ala-ala ni Mikha ang mga nangyari. Mga litrato sa kanyang isipan na mistulang naging bangungot sa kanya. “Saksi ang warehouse na ito sa lahat ng pinagdaanan nila. Buti nalang at sinama ka ni Maraiah dahil dito din kita papatayin!” Sambit nito na lalong ikinalabas ng galit ni Mikha.
Sunod-sunod man ang paglabas ng luha ngunit agad na sumilip ito sa gilid ng poste at agad na pinaputukan ang mga Rivera kasama ang ibang tauhan nito ngunit naka-ilag naman ang mga Rivera kaya ang mga tauhan nito ang natamaan.
Mikha: “Wala kang puso!” *BANG *BANG Agad namang humandusay ang dalawang tauhan ng matandang Rivera.
Agad rin namang lumabas sa pinagtataguan ang matandang Rivera at pinaputukan ang gawi ni Mikha habang naglalakad palayo sa pinagtataguan nito kaya napatago ito.
*BANG *BANG *BANG *BANG
Rivera: “Angelo! Tara na!” Utos nito sa binata na hindi pa rin maalis ang tingin sa kanyang ama habang nag-uunahan ang pagtakas ng mga luha nito.
Gwen: “Mikhs! Huwag mong idaan sa galit. Ang goal is makalabas kayo ni Aiah. Okay?” Sambit nito ngunit galit ang bumabalot sa buong isip ni Mikha.
![](https://img.wattpad.com/cover/311404725-288-k664820.jpg)
BINABASA MO ANG
The President's Daughter (Major Editing)
FanficTwo opposite worlds come together. How will they establish harmony after their initial encounter was unfavorable? Would you be open to befriending someone whose life is constantly in danger? Are you prepared to take risks for the person you love, ev...