Chapter 36 - Amazing race (part 2)

3.6K 105 5
                                    

Third person POV:

Umuulan pa rin at halos basa na ang damit ng bawat miyembro. Ang mga watcher naman ay mga nakapayong.

Jhoanna: "Hello, Mikhs! Bilis niyo ah. Basta crawl lang hanggang dulo and you'll see Stacey na hawak ang key and flag niyo."

Mikha: "Akala ko ba 7 meters 'yan?" Sambit nito kaya sinamaan siya ng tingin ni Jhoanna

Jhoanna: "Hindi ka nakikinig kanina noh? Dinagdagan 'yan. Ingat ka nalang kasi umuulan eh, masyadong maputik kumpara kanina."

Mikha: "No choice ako, I need to win this." Sambit nito at dumapa na para gumapang.

Aiah: "Go, Jiā!" Sigaw na pagsuporta nito sa isa.

Gwen: "Go, Mikhs! Kaya mo na 'yan!"

Maloi: "Go go go, Mikhaela!"

Michael: "G-go, Mikha!" Nahihiyang pagsuporta nito dahil 'di naman niya masyado close ito.

Halos nagch-cheer ang apat habang si Lloyd ay nakatayo at nanonood lang kay Mikha.

Aiah: "Crawl lang ng crawl, Jiā!" Sambit nito kaya naman nagtaka si Jhoanna.

Jhoanna: "Jiā? That's a Chinese word ah." Sambit nito sa isip nito.

Si Mikha naman ay halos nasa kalahati na ng mud crawl at walang tigil naman ang mga miyembro nito sa pagsuporta kay Mikha.

Jhoanna: "Ate Aiah, where did you get that word?"

Aiah: "What word?" Nagtatakang tanong nito.

Jhoanna: "The Jiā word."

Aiah: "Ohhh, Mikha gave me that code name para magawa namin yung hide and seek. It's kinda short, unique, and cute kaya I use it nalang to call her that name too." Sambit nito kaya napangiti si Jhoanna.

Jhoanna: "Alam mo meaning no'n?" Sambit nito ngunit umiling lang ang isa. "Ahhh okay." Sambit nito habang nakangiti at iniwas ang tingin kay Aiah kaya nagtaka ang isa.

Aiah: "Why? Does that word have a meaning?" Sambit nito.

Jhoanna: "I don't know." Pagsisinungaling nito at pinanood nalang si Mikha.

Habang nasa kalagitnaan si Mikha sa 6th station, bigla namang may dumating na grupo.

Colet: "Whoaaaa! Hello, Aiahkins!" Sambit nito kaya kumaway dito si Aiah.

Sheena: "Wahhhh! Nakahabol kami." Energetic na sambit nito.

Gwen: "Paano ba 'yan ate Colet. Malapit na matapos si Mikhs." Pang-aasar nito sa kaibigan.

Colet: "Manood ka Gwenny. Hahabulin ko 'yan si Mikhs."

Nagtatawanan naman ang mga magkakaibigan dahil sa mga pang-aasar at kakulitan ng mga ito.

Gwen: "HAHAHHAA Mikha! Bilisan mo! Andyan na si ate Colet." Sambit nito na may mapang-asar na tono.

Sheena: "Ate Colet dali! HAHHAHAA hilahin mo paa ni Mikha." Pagbibiro nito.

Mikha: "Maria Nicolette! Subukan mo lang! Sa labas ka ng bahay matutulog!" Tarantang sigaw nito dahil nakangiti ng mapang-asar si Colet sa kanya na para bang hahabulin ito.

Jhoanna: "Daming energy ate Colet HAHAHA." Sambit nito habang si Colet ay nagsinula nang gumapang.

Colet: "Mikhaela Janna! Andyan na akooo." Nang-aasar na tono nito na para bang mga batang naghahabulan.

The President's Daughter (Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon