Prologue

8.9K 174 10
                                    

Zaniah

"Gusto kita kaya wala kang magagawa dahil sa ayaw at gusto mo kukulitin kita hanggang magustuhan mo din ako." pag-amin ko sakanya ngunit tinitigan lang ako nito ng walang reaksyon.

"Malala na ata ang tama mo sa utak. Patingin ka na baka lumala pa yan." sagot naman nito na parang wala lang sakanya ang sinabi ko.

Hanep na babae to pinagkamalan pa akong baliw dapat nga mag pasalamat pa siya na siya yung nagustuhan ko eh hmp.

"Ah basta gusto kita tapos ang usapan kaya kung ako sayo masanay ka na sa presensya ko dahil kahit anong mangyari kukunin kita." saad ko at lumapit sakanya pero ang gaga tiningnan lang ako ng malamig.

"Sinasayang mo lang ang oras mo Ms. Reed. At kung magkaka-gusto man ako sa babae siguradong hindi ikaw yun." sagot niya at tiningnan ako sa mata na parang ipinapahiwatig niya na hindi kailanman mangyayari ang sinasabi ko bago tumalikod at nag-umpisang maglakad palayo saakin.

"WAG KANG MAGSALITA NG TAPOS MS. YOUNG! PINAPANGAKO KO IKAW NAMAN ANG MAG-HAHABOL SA AKIN! KASI GOLD AKO!" sigaw ko sakanya pero hindi ako nito pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad. Napa-iling nalang akong naka tingin sakanya hanggang sa mawala na ito sa paningin ko.

"Hindi daw mangyayari? Well, tingnan natin kung hanggang kailan ka magmamatigas Miss President hindi mo ata ako kilala, makulit lahi ko." bulong ko sa sarili ko at natatawang tumalikod at naglakad palayo.

DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner.

🚫 I'm not a pro writer, expect some grammatical errors ahead.

**Content Warning: Cringe-inducing Material and Numerous Errors**

This story contains elements that may induce discomfort due to cringe-worthy situations and numerous errors. Reader discretion is advised for those who may find such content challenging or unpleasant HAHAHAHAHA T_T

Miss President ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon