Aeris
"We are happy that you accepted the scholarship." nakangiting sabi ni Ma'am Reign sa akin.
Kitang kita sa mukha niya ang saya sa naging desisyon ko.
"Salamat din po at ako po ang napili niyong bigyan ng scholarship. Kailangan ko po kasi maka-graduate para matulungan ko si Tatay." nakangiting sabi ko.
Nawala ang malaking ngiti nito kanina at napalitan ng malungkot at tipid na ngiti.
May nasabi ba akong masama?
"Siya nga po pala ma'am, magco-college na po ba ako agad?" tanong ko sakanila.
Dahil nga wala akong naaalala hindi ko alam kung nag-aaral pa ba ako simula nang napadpad ako dito o naka-graduate na. Marunong naman ako magsulat at mahilig ako magbasa kaya hindi ko alam kung kailangan ko pa bang dumaan ng elementary or high school.
"Pwede kang dumiretso na ng college, Aeris. May exam lang kaming ibibigay sayo kapag napasa mo iyon pwede kang dumiretso kaagad sa 3rd year college." nagulat naman ako sa sinabi ni Ma'am Reign. 3rd year college? Agad agad? Pwede pala yun?
"Anong course pala ang kukunin mo?" tanong ulit ni Ma'am Reign.
"Architecture po." sagot ko na ikinagulat nila.
"Good choice, Aeris. Siguradong mag-eenjoy ka sa napili mong course." tumatangong sabi ni Ma'am Psyche.
Hindi ko alam pero yun kaagad ang unang pumasok sa isip ko. Mahilig din kasi ako mag drawing at mag design ng kung ano-ano kaya sa tingin ko ay yun ang nababagay sa akin.
"Sasama ka na ba sa amin bukas? Uuwi na kasi kami ng Manila." sabi ni Ma'am Reign kaya napatingin ako sakanya.
"Magpapa-alam muna po ako kay Tatay." sabi ko naman.
Napatingin ako sa iba at napansin kong nakatingin silang lahat sa akin na parang sinusuri ang kabuuan ko at parang hindi makapaniwala na nasa harapan nila ako. Lalo na si Archana na kanina pang nakatingin sa akin, medyo awkward nga dahil titig na titig talaga siya.
Napabalik ulit ang tingin ko kay Ma'am Reign nang tumikhim ito.
"Uhm, Aeris?" sambit ni Ma'am Reign sa akin.
"Bakit po?" tanong ko sakanya.
"Pwede ba kitang mayakap? Naaalala ko lang kasi ang anak ko sayo." sabi nito na ikinagulat ko.
"A-ah eh, s-sige po." medyo hindi ko siguradong sagot.
Agad namang lumapit si Ma'am Reign sa akin at marahan akong niyakap.
"Oh god." umiiyak na sambit ni Ma'am Reign habang nakayakap pa rin sa akin.
"A-ah M-ma'am Reign?" tanong ko sakanya nang humigpit ang yakap nito.
"I'm sorry. Nami-miss ko lang kasi ang anak ko, nakikita ko kasi siya sayo. At saka huwag mo na akong tawaging ma'am, Tita Reign nalang." sabi nito nang humiwalay ito ng yakap at mabilis na pinunasan ang luha.
Ngumiti lang ako sakanya at tumango at hindi na nagtanong pa tungkol sa sinasabi niyang anak niya dahil mukhang malungkot ito.
"Aalis po muna ako, babalik lang po ako sa bahay para magpaalam kay Tatay kung papayagan niya akong sumama sa inyo." paalam ko sakanila.
Pagkatapos kong magpaalam ay umuwi na ako sa amin para magpaalam kay Tatay. Hindi pa nga sana ako ready na umalis dahil masyadong mabilis pero mag-uumpisa na daw kasi ang pasukan doon.
Pagkarating sa bahay ay sakto lang din na kakatapos niya lang maghanda ng hapunan.
"Oh anak, kamusta ang lakad mo? Halikana at kumain na tayo." tawag ni Tatay sa akin nang makita ako.
BINABASA MO ANG
Miss President ✔
FanfictionArchana Louisse Young - President of the Student Council. She is trusted by the Reed family to regulate Lauxshire University's policy. She is known for her coldness and attractiveness, qualities that made Zaniah like her and the reason why her fell...