Chapter 29

4.1K 158 33
                                    

Zaniah

Isang malaking SCAM si Archana, umasa pa naman ako. Pagkatapos niya kasing sabihin yun ay hinila niya ako papasok sa kwarto pero pagkarating dun ay itinali niya lang ako sa kama ko at umalis na. Ibang scream and beg pala yung sinasabi niya kasi nagsisisigaw at nagmamakaawa akong alisin niya na yung tali sa kamay ko.

Si Mama ang nag-alis ng tali saakin dahil umalis na daw si Archana at binilin ako kila Mommy. Tinatawanan pa nga nila akong dalawa, oh diba mga bully rin, nahahawa na sila kay Archana.

About naman sa sinuntok ko ayun tulog pa rin, charot nakalabas naman na siya ng hospital at pinaalis na rin siya dito sa school at alam niyo naman na kung bakit. Naayos naman na din ang nangyari, mabuti nalang at mabait ang pamilya ng Fred na yun siya lang ang hindi, ampon siguro yun. Parang pabor pa nga sa Daddy niya na ginawa ko sa anak niya yun dahil sakit daw talaga siya sa ulo at hindi makontrol.

Pero kahit absuwelto na ako sa pamilya ni Fred, kay Archana at sa school hindi. Ayaw ng school sa violence at nasa rules yun ng University kaya para maging fair ay 3 days lang naman nilang akong pinaglinis ng stock room at ang matindi pinag-ayos pa ako ng mga files in alphabetical order, muntik na nga akong umiyak sa dami nun eh pero buti nalang at natapos ko.

Kasalukuyan akong nasa school ngayon para magpasa ng plates ko. Limang araw kong pinagpuyatan ang pag gawa nun kaya para akong lantang gulay, ngayon ko lang din naramdaman ang pagod kaya pumunta na muna ako sa office ni Mommy sa Administration Building para matulog, doon ko balak pumunta kesa sa office ni Archana dahil baka marami siyang ginagawa ngayon at maka-istorbo pa ako dun.

Saktong pagkarating ko sa building ay nakasalubong ko si Kade.

"Hi, Zaniah." bati niya saakin kaya sinuklian ko ito ng ngiti.

"Hello, Kadey. Kamusta?" ganting bati ko din sakanya.

May meeting siguro sila ngayon dito kasi yun lang naman ang dahilan kung bakit napapadpad ang mga SC officers sa building na to eh.

"Maraming ginagawa as usual, ikaw? okay na ba yung sugat mo sa kamay?" tanong nito at tiningnan ang kamay ko.

"Yep, magaling naman na to." sagot ko sakanya na ikinatango niya.

"Good. And oh by the way, may gagawin ka ba bukas?" pahabol na tanong niya.

"Hmm, mukhang wala naman. Why?" tapos na rin naman lahat ng plates ko, nakapagpasa na rin naman ako ng iba ko pang requirements sa ibang subjects.

"Tomorrow's my birthday. Ininvite ko din sila Archana together with other SC officers and they all said yes." sabi niya kaya napa tango-tango naman ako. Kasama naman pala si Archana eh edi mas okay.

"Saan ba yan?" tanong ko sakanya.

"Sa bar ng kapatid ko, I'll send you the details nalang. Isama mo na din si Cali, the more the merrier." sagot nito.

"Sige Kade, sasabihan ko nalang si Cali." nakangiting sabi ko.

"Great! Aasahan ko yan ha?" muli akong tumango tsaka nagpa-alam na kami sa isa't isa.

Naglakad na ako papunta sa office ni Mommy nang makasalubong ko naman si Melissa. Akalain mo yun, buhay pa pala ang babaeng to, nakakasalubong ko naman siya minsan at palagi ako nitong iniirapan syempre hindi ako papatalo no tinitingnan ko siya mula ulo mukha siyang paa este hanggang paa pala.

"Oh hi there Zaniah." bati nito sa akin habang nakangiti pero halata namang peke.

"Hi, Melissa." pekeng ngiti ko ring bati sakanya.

"Kamusta ang paglilinis sa stock room? Enjoy ba?" pang-aasar nito kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"Oo naman, gusto ko nga ulitin eh. Gusto mo suntukin din kita? Para naman maranasan ko mag-linis ulit dun." ganti ko at ngumiti ng matamis sa kanya.

Miss President ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon