Chapter 22

4.4K 173 26
                                    

Zaniah

"Aly? Love? Babe? Baby? Sorry na kaseee." pagkuha ko ng atensyon ni Archana.

Nandito ako ngayon sa bahay nila para magpa-amo na naman ng tigre, hindi na kasi ako bumalik sa school kanina kasi hindi namin ma iwan-iwan si Hunter pero medyo okay naman na siya tumawag nalang kami sa kasambahay sa bahay nila para siya na yung mag-aalaga kay Hunter.

Pero ang aking mahal na girlfriend hindi ako pinapansin at seryosong nakatingin lang sa ginagawa nito sa laptop niya.

"Sorry na Aly. Magpapa-alam na ako sa susunod, promise." sabi ko at itinaas ang kanang kamay na parang nanunumpa.

"Aly naman eh, pansinin mo na ako." tawag ko ulit sakanya at lumapit sakanya para umupo sa gilid niya.

Nandito kami sa kwarto niya at nakasandal ito sa headboard ng kama habang gumagawa ng report niya.

"You could have just texted me but you never did." matigas na sabi nito na nagpalunok saakin.

She's still mad kahit hindi halata sa mukha niya pero alam kong galit siya.

"Sorry na, nawala nga sa isip ko kasi nag-alala ako kay Hunter." paliwanag ko naman.

"Ah ganon so nakalimutan mo ako? Ganun ba ka importante ang lalaking yun kaysa saakin?" tanong niya ulit kaya napahilamos ako ng mukha ko bago sumagot.

"S-syempre hindi, mas importante ka. Pero kaibigan ko si Hunter at nag-aalala kasi ako sakanya ang taas ng lagnat eh busy kasi kami ni Cali sa pag-aasikaso sakanya." nauubusan na ako ng rason T_T

"That's not what I'm mad about, Zaniah. I don't have a problem with you taking care of him, the issue here is that you didn't let me know where you were going and you didn't reply to my messages either." sabi pa nito.

Yeah inaamin ko mali ko nga yun, pero dala lang din naman kasi ng pag-aalala ko sa isa kaya nakalimutan ko. Kaya nga ako nandito para bumawi eh.

"Gusto mo ba friends nalang din tayo?" tanong nito nang hindi pa rin nakatingin saakin.

"Ayaw po. Wag naman ganun, sorry na nga kasi pa kiss na ako please." pagmamakaawa ko sakanya.

"No. That's your punishment kaya mag-tiis ka." ang unfair!

Pwede namang ibang parusa nalang bakit kasi kiss pa, alam niya naman kung gaano ako kaadik sa labi niya eh T_T

"Parang kiss lang eh, ang damot." bulong ko sa sarili ko habang nagmumukmok sa gilid niya.

"Stop murmuring. Just so you know I can still hear you." sabi nito nang hindi nakatingin saakin.

Naiinis na ako parang wala lang ako sakanya dito. Kaya ang ginawa ko kinuha ko ang laptop niya at inilagay sa bedside table.

"Hey! What do you think you're doing?" naiinis na tanong niya.

Hindi naman ako sumagot at hinila siya pahiga sa kama saka ako pumaibabaw sakanya.

Kung hindi siya madadala sa mabuting usapan sa santong paspasan nalang.

"Let me go, Zaniah. Isa." pagpupumiglas nito at tinutulak ako paalis pero hindi ko siya hinayaan.

Umupo ako sa bandang tiyan niya at hinawakan ang dalawa niyang kamay at inilagay sa taas ng ulo nito.

"Ayaw mo 'kong ikiss eh, ako nalang ki-kiss sayo." naka-ngusong sabi ko sakanya saka inilapit ang mukha ko sa kanya para bigyan siya ng halik.

Smack lang naman ang ginawa ko pero syempre madaming madami lulubos lubosin ko na baka matagalan bago ako maka-ulit eh.

"That's all you've got?" tanong nito saakin kaya napatigil ako at napatingin sakanya.

Miss President ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon