Chapter 21

4.4K 166 21
                                    

Zaniah

"Hello, my love. Are you busy?" tanong ko sa aking magandang girlfriend pagkapasok ko sa office niya.

Lumapit ako sakanya para halikan ito sa noo. Andami niyang pinipirmahan tsaka binabasa, yung ulo ko sumasakit sa mga papel na nakikita ko eh.

"As usual. Why are you here?" tanong nito habang patuloy pa rin ang ginagawa.

"Bakit? Ayaw mo nandito ako? Alis na ko." tiningnan naman niya ako habang nakakunot ang noo.

"I'm just asking." pa-irap nitong sabi at ibinalik na ulit ang mata sa binabasa.

"Wala nang klase eh, tsaka malapit nang mag lunch time sabay na tayo." sabi ko sakanya at pumunta sa gilid niya para tingnan ang ginagawa niya.

"I can't, I'm busy." pagtanggi nito.

"Pero lunch na, hindi ka manlang kakain?" pilit ko pa at umupo sa isa pang swivel chair na nasa gilid niya

Napaka workaholic talaga. Ito na nga ba yung sinasabi ko noon eh, siguradong ito yung kaagaw ko sa atensyon niya.

Sabihan ko nga si Mommy na bawasan yung ginagawa ni Archana. Pinapahirapan niya ang baby ko.

"I'm not hungry yet. Mauna ka na." sagot nito.

Medyo malungkot ako dahil hindi ko siya makakasama kumain ngayon pero naiintindihan ko naman na marami siyang dapat tapusin.

Kaya ayaw ko sumali sa mga Organizations kahit dito sa Student Council naka-ilang beses na pilit na nga sila Mommy pero hindi ako pumayag, pinaka-hate ko pa naman ang paperworks.

At dahil nga President si Archana dapat siya talaga ang pinaka-hands on dito. Great power comes with great responsibilities talaga.

Ayoko pa namang kumain mag-isa, malungkot yun. Umalis kasi si Cali, may pupuntahan daw na importante ewan ko sa babaeng yun palaging missing in action pag kailangan ko.

Nasabi ko na din pala sakanya na kami na ni Archana ayun nagsisisigaw sa loob ng classroom nalaman tuloy ng buong klase, matinding pang-aasar nanaman ang inabot ko kanina sakanila.

Hmm, sino kaya ang pwede kong maistorbo para samahan ako mag-lunch.

Napatingin naman ako sa labas nang office ni Archana at saktong naka-angat ang blinds niya at kitang kita ko mula dito sa loob ng office si Kade na may inilabas na baunan.

Aha! Siya nalang ang yayayain ko sakto at kakain na siya, hindi na ako mag-isa hehehe.

Agad akong tumayo para maabutan ko pa si Kade at mahila papuntang cafeteria bago siya makakain ng dala niya.

"Sure ka na hindi ka kakain?" tanong ko ulit kay Archana bago lumabas. "Lalabas na ako." paalam ko pa.

"Yes. Eatwell, bawasan mo ang kakakain ng fatty foods that's not healthy." bilin pa nito.

Minsan lang naman eh, madalas kaya carbonara ang ino-order ko pag kakain.

"Oki po, lunch break niyo naman na diba?" tanong ko sakanya.

"Yes, why?" nagtataka nitong tanong.

Magpapa-alam muna ako syempre baka mamaya kakailanganin niya si Kade dito eh.

"Hiramin ko muna si Kade hah, siya nalang yayayain ko mag-lunch ayoko ng walang kasama eh. See you later---" hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko nang bigla itong tumayo at inayos ang mga papeles na nagkalat sa lamesa niya at inilagay iyon sa gilid.

Nagtataka naman akong tinitingnan lang ang ginagawa niya.

Bakit siya nagliligpit? Akala ko ba madami siyang gagawin?

Miss President ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon