Zaniah
"Oh tara na sa Assembly Hall, form a line mga guys!" sigaw ni Steven sa mga kaklase namin.
Papunta kami ngayon sa gaganaping activity sa Cebu, ang ibang department ay tapos na at may kanya-kanya din silang lugar na pinuntahan depende ata yun sa in-assign sakanila. Kaming mga architecture students ang pang-huli pero bago yun pupunta muna kami ng Assembly Hall para sa orientation bago umalis.
Inaantok pa nga ako dahil 4am palang ay gumising na ako para mag-ready, 5am kasi yung call time.
"Antok na ako beh." reklamo ni Cali pagka-upo namin.
"Same." sagot ko naman at humiga sa balikat niya sabay pikit.
Nagka-usap na kami ni Cali tungkol sa nangyari at grabe ang galit niya kay Archana para ngang siya pa ang niloko eh, isang linggo niya akong dinamayan. Palagi siyang pumupunta sa bahay ang ginagawa lang namin dun imbes uminom at magpaka-sad girl ay nag sparring kami sa boxing ginawa ko siyang punching bag, mabuti nga at hindi siya nagrereklamo.
Nag-try din kami ng iba't ibang activities para malibang ako at kahit papaano ay makalimutan ko ang nangyari pero pagsapit ng gabi ay ganun pa rin, iiyak na naman ako ng paulit-ulit hanggang sa makatulog ako. Kahit anong gawin ko ang sakit pa rin talaga lalo na pag naaalala ko ang tagpong iyon.
Strong independent sa umaga. Nami-miss na kita sa gabi, eme.
Muntik na akong makatulog pero naramdaman kong niyuyugyog ni Cali ang balikat niya.
"Psst, Zaniah." tawag ni Cali saka niya ginalaw yung balikat niya dahilan para mapa-ayos ako ng upo.
"Ano?" kunot noong tanong ko. Napatingin ako sa paligid at nakita kong nakatingin ang lahat sa akin pati na rin ang mga officers na naghihintay. Sa harap kasi kami naka-upo.
"B-bakit?" awkward na tanong ko.
"Lead the prayer daw, tanga." bulong ni Cali sa akin.
"Bakit ako?" gulat na tanong ko naman, kumibit balikat lang si Cali at pumikit na para magdasal.
Wala na akong nagawa kaya bumuntong hininga nalang ako at yumuko.
"Everyone, let us bow our heads and feel the presence of the Lord. In the name of the Father, and of the Son and of the Holy Spirit." sambit ko
"Lord, thank you for sunshine. Thank you for rain. Thank you for joy and thank you for pain. Amen." dasal ko saka nag sign of the cross na ulit.
Hindi ko na alam ang pinagsasabi ko dahil inaantok talaga ako, binigla ba naman ako eh.
Narinig ko namang nagpipigil ng tawa ang lahat kaya napatingin ako sakanila. Luh, anong nakakatawa eh sa wala na akong maisip na dasal eh.
"Hoy, anong dasal yun? Kaka-tiktok mo yan eh." pigil na tawang sabi ni Cali ng maka-upo kami.
"Napaghahalataang hindi ka nagsisimba master." natatawa ding sabi ni Dos sa tabi ko kaya sinamaan ko siya ng tingin, agad namang nawala ang ngiti niya at napalunok nang makitang hindi ako natutuwa.
Ngumiti ako ng matamis sabay akbay at sakal sa kanya gamit ang braso ko.
"A-ackk! M-aster b-bitaw." hirap niyang sabi habang tinatapik ang braso ko.
"Na-uh. Hindi kita titigilan hanggang hindi ka mag-color violet jan." iiling iling na sabi ko at hinigpitan pa ang pagkakasakal sakanya.
Habang ginagawa kong Barney si Dos ay may tumikhim ng malakas sa gilid kaya napatigil ako at tumingin sa harap.
Si Archana na madilim ang mukha na nakatingin sa amin ni Dos nakita ko din ang pag-igting ng panga nito, konti na nga lang at parang may lalabas na usok sa ilong niya.
BINABASA MO ANG
Miss President ✔
FanfictionArchana Louisse Young - President of the Student Council. She is trusted by the Reed family to regulate Lauxshire University's policy. She is known for her coldness and attractiveness, qualities that made Zaniah like her and the reason why her fell...