Chapter 27

4K 150 14
                                    

Zaniah

"Oh surprise inspection daw, patay tayo." balita ni Dos pagkapasok niya ng room.

"Patay talaga, hindi pa naman ako nakakapag-shave ng bigote at balbas." sabat naman ng isa kong kaklase.

Napa-iling nalang ako habang tinitingnan sila isa-isa na namomroblema. Yung iba walang ID na dala merong hindi nakapag-pagupit at merong hindi naka-suot ng uniform.

"Bitchfriend, nakalimutan kong dalhin ang ID ko." kinakabahang sabi ni Cali. "Pahiram ng sayo." sabi nito habang inaabot ang ID na suot ko.

"Siraulo ka ba? Edi ako ang naparusahan pag binigay ko sayo to." sagot ko naman sakanya habang nilalayo ang lace ko.

"Grabe ka, ang magkaibigan nagdadamayan yan. Kaya pahiram na." pamimilit pa nito.

"Kaya pala, tuwing may problema ka damay ako." sabi ko naman sakanya.

"Dapat lang, mag-kaibigan tayo kaya dapat kasama kita sa lahat ng bagay." baliw na to, idadamay pa ko eh mabait na nga ako.

Hindi ako nagsalita at inilabas ang cellphone ko. Ngayon ko lang gagawin to dahil naaawa ako sakanila, hell week pa naman ngayon tambak ang gawain kaya mahihirapan sila pag nadagdagan ng parusa dahil sa inspection.

ALI

Good morning,
my beautiful girlfriend 😘
7:45 AM

Seen


Luh. Seen?
Famous mo naman idol.
7:48 AM

I'm working, baby.
Talk to you later.
7:50 AM

Aly pahinging favor hehehe.
7:52 AM

What is it?
7:55 AM

Wag ka na magpa-inspection,
please? 🥺
7:56 AM

Why?
7:58 AM

Eh kasi hindi ready mga
classmate ko hehehe.
8:00 AM

Baby, it's not a surprise inspection
anymore if you are all ready.
8:01 AM

Please? 🥺
8:03 AM

Hindi na siya nag-reply pagkatapos nun, laglag balikat kong ibinaba ang cellphone ko at tumingin sa mga kaklase kong parang mga natatae na sa kaba.

Pasensya na mga pare wala akong magagawa, kahit girlfriend ko ang President hindi talaga tayo lulusot T_T

"Oh magsibalik na kayo parating na ang mga officers." anunsyo ni Steven kaya agad na nagsipulasan ang lahat at umupo.

Dumating ang tatlong officers kasama na dun si Kade pero wala si Archana kaya napahinga ng maluwag ang mga kaklase ko.

"Gagi kinabahan ako, akala ko si Miss President ang mag i-inspect eh, grabe pa naman yun." rinig kong sabi ng kaklase ko sa likod.

Ang tatlo kasi na to ang pinakamabait sa mga officers eh, yung tipong pagsasabihan ka lang kaya medyo nakahinga sila ng maluwag.

"Good morning. We will conduct a surprise inspection today so I hope walang problema sa klase na to. Tayo na kayo." anunsyo ni Kade kaya agad kaming sumunod at tumayo na.

Miss President ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon