Chapter 47

5.2K 218 57
                                    

Zaniah

"So kayo na?" nagkatinginan naman kami ni Archana dahil sa tanong ni Cali.

Hindi ko alam ang isasagot kasi hindi naman namin napag-usapan yun, umamin lang kami sa isa't isa yun lang yun. Napansin kasi ni Cali na parang mas nagiging malapit kami kaya hindi na napigilan ng bunganga niya ang magtanong tungkol sa amin. Kanina pa nga niya kami inaasar.

"We'll get there." maikling sagot ni Archana saka ako hinawakan sa kamay.

"Luh, we'll get there daw. Zaniah oh, walang balak si Archana. Mukhang mauuna pa ang tukaan ninyo kaysa label." sabi ni Cali kaya sinamaan siya ng tingin ni Archana.

"Hoy, Archana hindi pwedeng wala kang plano ang tanda mo na." sabi ulit ni Cali at hindi pinapansin ang tingin na ipinupukol sakanya ni Archana.

"Hoy Cali, huwag mo nga ipressure si Archana. Makapag-salita ka kayo nga din ni Izarah wala pang balak magpakasal eh ang tagal tagal niyo na." singit ni Dos.

"At least kami may label tsaka wag ka nga sumali sa usapan namin. Bawal bumoses kapag single." asar ni Cali na ikinasimangot ni Dos.

Napa-iling nalang ako sa mga sinasabi nila. Wala namang kaso sa akin kung wala munang kami ngayon, gusto ko din kasing bumalik muna lahat ng alaala ko bago ayusin ang sa amin. Patuloy pa rin ang pag the-therapy ko at malaking tulong iyon dahil unti-unti nang bumabalik ang alaala ko, may mga pagkakataon lang na sumasakit pa rin yung ulo ko tuwing pinipilit kong makaalala pero tolerable naman.

"Cali, may I speak with you?" sabi ni Archana tsaka nauna nang tumayo. "I'll talk to Cali muna. I'll be back, hmm?" paalam niya sa akin sabay halik sa noo ko at lumabas na.

"Bakit? Baka gulpihin mo ako ha. Guys kapag hindi ako nakabalik kaagad hanapin niyo nalang yung katawan ko sa ilog pasig." bilin ni Cali bago sumunod kay Archana.

"Huwag kang mag-aalala bibigyan ka namin ng maayos na libing. Mga ex mo pa yung papabitbitin namin ng kabaong mo." pahabol ni Dos na narinig naman nung isa.

"Tangina mo!" sigaw ni Cali galing sa labas.

Lord bakit mo ba ako binigyan ng mga kaibigang may saltik? -_-
_____

Archana

"You're ruining my plan." gigil na sabi ko kay Cali.

"Ay may plano ka pala?" tanong niya at nag-kunwaring nagulat kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Ano bang plano mo?" she curiously asked and move closer to me.

Napabuntong hininga naman ako dahil sa tanong niya. Dapat ko ata sabihin sakanya para my katulong na din ako at hindi ako mahirapan.

"I'm planning to propose to her." I seriously said.

Hindi na kami bata. I want to settle down and have a family with her, only her. She's the only person I want to spend my life with. And now that she's here, I don't want to lose her again.

"Sure ka na ba? Kasi kung hindi huwag mo nalang ituloy at pag-isipan mo ulit. Ayokong maulit nanaman ang nangyari noon." seryosong sabi niya din.

"She's been through a lot. She deserves to be happy and I'm willing to give it to her. This time, I'm going to make everything right for us. So yes, I'm 100% sure." tumango naman siya sa sinabi ko.

"Dapat lang. Don't worry, tutulungan kita. Sabihin mo lang kung anong plano mo akong bahala." sabi niya saka ako tinapik sa balikat at inakbayan.

"Pero habang wala pa ang kasalan, unahin niyo na ang honeymoon nakakahiya ang tanda mo na virgin ka pa rin." bulong niya na parang nang-aasar sa akin.

Miss President ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon