Epilogue

8.4K 260 50
                                    

A/N: This is going to be the last chapter. Your votes and comments are highly appreciated po! Thank you for taking time to read my story. I know there's a lot of good stories out there and it means a lot to me that you choose one of mine and chose to spend time with the characters that I have created. See you on my next story! Love y'all!

Zaniah

"Zaniah! What the hell are you doing?" napatalon ako sa gulat nang marinig kong sumigaw ang asawa ko na palagi nalang galit sa mundo.

"A-ah hello mahal, hehehe." awkward na tawa ko at tinago sa likod ko ang pinagkaka-abalahan ko.

"What did you do to Willow?" masungit na tanong niya habang nakahalukipkip na nakatingin sa akin.

"W-wala ah! Hindi ko nga alam kung nasaan siya eh." iiling-iling na pagmama-ang maangan ko at sakto namang pagkasabi ko nun ay tumahol ang aso na tinatago ko sa likod ko.

"Zaniah." sambit nito sa pangalan ko sa nagbabalang tono.

Asar! Ang ingay naman kasi ni Willow eh nahuli tuloy ako.

Dahan dahan kong inilabas si Willow na nasa likod ko at ipinakita kay Archana habang hawak-hawak ko ng dalawang kamay ko ang magkabilang paa nito.

"Zaniah! Anong ginawa mo sa aso ni Izarah?" nawawalan ng pasensya na tanong ni Archana.

"E-eh sorry na, wala kasi akong magawa eh. Ayaw mo naman kasi akong pansinin kanina." nakangusong sagot ko.

"Tingnan mo nga yang itsura niya. Bakit mo kinalbo?" inis na tanong ni Archana at kinuha si Willow sa akin na parang na trauma sa ginawa ko sakanya.

 Bakit mo kinalbo?" inis na tanong ni Archana at kinuha si Willow sa akin na parang na trauma sa ginawa ko sakanya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Ang cute naman ah, mukha nga siyang lion eh." depensa ko na ikinasama niya ng tingin sa akin.

"She's a freaking pomeranian, Zaniah. I'm really losing my patience with you. Manganganak ako ng wala sa oras dahil sa ginagawa mo." stress na sabi niya habang nakahawak sa sentido.

Tama ang nabasa niyo, buntis si Archana at mag si-six months na ang tiyan niya kaya kung masungit siya noon ay dumoble ngayon parang triple pa nga eh.

Medyo natagalan lang kami bago mag-plano na magka-anak dahil kinailangan ko munang gumraduate bago bumuo ng pamilya at sa awa ng diyos ay isa na akong Architect ngayon. Kaya ko nang bumuhay ng pamilya kahit isang dosenang anak pa hehehe. Si Archana ang nagbuntis dahil gusto kong maging kamukha niya ang anak namin at salamat sa science and technology dahil hindi kami nahirapan na isagawa ang proseso.

"Eh sorry na, Mahal. Huwag mo akong susumbong kay Cali tsaka kay Izarah ha." pagmamakaawa ko.

"They're going back tomorrow from their vacation, Zaniah. How will you explain this to them?" nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi ni Archana.

"Bukas na ba yon? Hala! Akala ko next week pa!" gulat na sabi ko at bigla akong kinabahan dahil siguradong bubugbugin ako ng dalawa sa ginawa ko sa aso nila.

Miss President ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon