Chapter 19

4.5K 173 6
                                    

Zaniah

Natapos ang laro at nanalo ang Team nila Archana sa score na 80-70.

Ako? Eto tulala pa rin at hindi makapaniwala sa sinabi ni Archana kanina.

Like wtf? Gusto niya ako?! Totoo ang himala!

Hindi ko alam kung anong ire-react ko kanina. Ilang minuto din akong wala sa sarili at iniisip yung sinabi niya.

Hindi ko alam ang gagawin ko dapat ba
tanungin ko na siya kung pwede ko siyang maging girlfriend since gusto niya din naman ako or getting to know each other lang muna?

Hindi ko na alam ang gagawin ko! Help!

Tahimik lang ako dito na naka-upo habang nagkakasiyahan sila sa gitna ng court. Mamaya nalang ako lalapit pag hindi na masyadong maraming tao sa gitna bumaba kasi yung ibang estudyante para magpa-picture sa mga players.

"Huy, bakit nagmumukmok ka jan? Hindi mo ba pupuntahan si Archana dun? Nanalo sila oh." pag-agaw ni Cali sa atensyon ko.

Napatingin naman ako sa direksyon nila Archana at nakita kong nagpi-picture sila ng mga ka teammates niya, yung itsura niya parang hinila lang dun at napilitan eh. Naka-ngiting umiiling ako habang pinagmamasdan siya, typical Archana.

Maya-maya ay tumayo na ako at naglakad na para puntahan si Archana, naka-talikod ito saakin kaya hindi niya ako napansin.

Tumikhim muna ako para kunin ang atensyon niya bago magsalita. "Pwede din po ba akong magpa-picture, idol?" tanong ko saglit na natigilan ito pero hindi kalaunan ay humarap din.

Hindi ito nagsalita at sumenyas lang sa kumukuha ng litrato na lumapit saamin. Hinawakan ako nito sa bewang at hinigit pa palapit sakanya.

"Ready? 1...2....3....SMILE!" naka-ilang shots din ang photographer bago sumenyas na okay na.

Nagpasalamat naman ako at humarap na sa babaeng dahilan kung bakit laging bumibilis ang tibok ng puso ko.

"Congratulations, Aly." naka-ngiting bati ko. "Libre mo ko ha, nanalo kayo eh." biro ko pa.

"Sure, where do you want to go?" tanong niya.

Bilis kausap ah.

"Ha? Ah-eh." wala akong maisagot joke lang naman sana yun eh.

"i-o-u? Walang ganung kainan." pagpapatuloy nito sa sinasabi ko.

"Dun nalang tayo sa restaurant ng kaibigan ko kaso wag ngayon, may laro din ako mamayang hapon eh." sa restaurant ni Royce nalang kami pupunta, magbabayad din ako ng utang sakanya yung kinuha kong lunch nung nagdecorate kami sa University. Baka akala nun tinakbuhan ko na siya eh, hindi ko nabayaran agad kasi nawala din sa isip ko HAHAHA.

"How about dinner?" tanong niya.

"Hindi ko tatanggihan yan." mabilis na sagot ko sakanya. "Saan na kayo pupunta pagkatapos nito?" tanong ko.

"Maybe we'll go out for lunch." sagot nito tsaka tiningnan ang oras sa cellphone niya. "Wanna come?" pahabol na tanong nito.

"Hindi ako pwede eh, magpe-prepare na kasi ako para sa game mamaya." sagot ko naman na ikinatango niya.

Doon na lang kami kakain ng lunch ni Cali sa cafeteria para malapit.

"Okay then, I'm gonna go take a shower. Good luck on your game later." saka ako nilapitan para halikan sa noo kasabay non ang pag click ng mga camera sa paligid.

"Ang sweet nilaaa!"

"OMG! Sila na ba?"

"Kinikilig ako!"

Miss President ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon