Chapter 4

4.1K 149 5
                                    

Excited akong bumangon dahil nga ito na ang unang araw ng panliligaw ko kay Archana.

Hindi ko muna siya tatawaging babyloves kasi nga nanliligaw palang ako saka na yon pag sinagot na niya ako.

Maaga akong nag-ayos at pumasok sa school para magpa good shot syempre.

Curious ba kayo kung anong sinagot ni Archana nong sinabi kong liligawan ko siya?

Oki eto na wag kayong kikiligin ha.

Flashback pasok.

"Liligawan kita sa ayaw at sa gusto mo Archana at hindi mo ako mapipigilan." diretso kong saad dito pero nanatili lang itong nakatayo at walang balak na harapin ako.

"Wag ka na mag-sayang pa ng oras, wala kang mapapala saakin." sagot nito pero naka-talikod pa rin siya sakin.

"Nah, wala akong pakialam. Gagawin ko ang lahat para magustuhan mo ako kaya wala kang magagawa." lumingon naman ito saakin at malamig akong tiningnan.

"Gawin mo ang gusto mo, binalaan na kita wag mo kong sisisihin pag umuwi kang luhaan." naka-ngisi nitong sambit at tuluyan nang tumalikod at naglakad papunta sa sasakyan niya.

Naka alis na siya pero nanatili pa rin akong naka-tayo at napa-isip sa huling sinabi niya.

Expected ko na din naman yun. Alam ko ang consequences ng mga gagawin ko, hindi ako nagde-desisyon ng hindi nag-iisip.

Dalawa lang naman ang pwedeng hantungan pero uuwi pa din akong luhaan yung isa tears of joy yung isa naman tears of pain.

End of Flashback.


Oh diba sabi sa inyo wag kayong kiligin eh.

"Zaniah pucha may lagnat ka ba? Totoo ba to? Ikaw? Pumasok ng maaga? Isa itong himala! Totoo ang himalaaa." hindi makapaniwalang sambit ni Cali na nakataas pa ang dalawang kamay habang pabalik balik ang tingin niya sa langit at sa akin.

"Syempre manliligaw na ako kay Archana eh, dapat talaga magpa good shot ako." sagot ko dito at nag-umpisa na maglakad papunta sa first subject namin.

"WHAT?! Pumayag si Miss President na ligawan mo siya? Paano? Nalingat lang ako sandali andami na nangyayari teka ano pa ba ang hindi ko alam ha?" habol nito saakin habang gulat gulat pa rin sa nalaman.

"Shhh tumahimik ka nga yang bunganga mo parang naka-lunok ng microphone ang aga-aga Cali, kukwento ko mamaya sayo." pagtatapos ko sa usapan namin at dali-daling pumasok sa room.

Pagpasok ko sa room ay lahat ng atensyon nasa akin para silang nakakita ng multo ng pumasok ako.

Parang mga tanga, alam ko namang maganda ako kaya wag niyo na kong tingnan *hair flips*

"Zaniah may sakit ka ba? Mamaya pa recess, napa-aga ka ng dating." bungad ni Steven sakin saka naman nagtawanan yung mga kaklase ko sa narinig.

Mga hayop talaga, palagi nila akong binibiro sa pagiging late ko at madalas na pag-cutting dahil nga ako lang ang bukod tanging hindi natatakot lumabag sa rules dito sa University.

Miss President ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon