Zaniah
Tanging liwanag lang na nagmumula sa buwan ang nagsisilbing ilaw namin dito sa tabi ng dagat habang naglalakad kami ni Archana.
Kakatapos lang naming kumain ng dinner kaya naisipan naming maglakad lakad muna, bukas nalang daw kami uuwi at gabi na sabado naman bukas at saka pagod na din si Archana hindi niya kakayaning mag-drive. Ikaw ba naman pumunta ng Quezon na walang tulog at madaming ginawa hindi ka ba mapapagod.
Opo tama po kayo nang nabasa, nasa Quezon Province po kami ang probinsya kung saan pinanganak at lumaki ang Mommy ni Archana.
Nakapag-paalam na din ako kina Mama at Mommy kanina, tinawagan ko sila at ang galing ko daw dahil saka lang ako nagpa-alam kung kelan nandito na ako. Aba malay ko bang dito ako dadalhin ni Archana eh wala din naman akong idea kanina no.
"Grandparents mo lang ba ang nakatira dun sa bahay?" tanong ko kay Archana nang umupo kami sa may buhangin habang pinagmamasdan ang dagat.
Ang ganda dito, sobrang tahimik at tanging hampas lang ng alon ang maririnig hindi tulad sa siyudad.
"Yes but they have one helper who comes in the house everyday, she's nanay Ising. That's her house right there." sabi niya sabay turo sa isang bahay na hindi kalayuan mula sa kinauupuan namin.
"Ayaw ba nila sa Manila?" tanong ko ulit sakanya.
Inihilig nito ang ulo sa balikat ko bago siya sumagot.
"Nah, they want a simple life here but we make sure that we visit them regularly. And besides hindi na din naman nila kayang bumiyahe ng matagal." sagot nito at hinawakan ang kamay ko habang nilalaro tsaka niya ito kinakagat kagat.
"Aly, sure ka na ba na mag-aaral ka sa ibang bansa pagka-graduate mo?" pag-iiba ko ng usapan.
Ito ang magandang pagkakataon para mapag-usapan namin ang mga bagay-bagay para na rin maging ready ako sa mga posibleng mangyari at sa mga plano niya.
Kahit medyo matagal pa yun gusto ko pa rin maging handa.Napatigil naman siya sa ginagawa at tumingin sa akin. "Why? You don't want me to leave?" tanong nito.
"Hindi naman sa ganun. Ayokong pigilan ka o ako pa ang maging rason para hindi ka matuloy umalis no." mabilis na sagot ko sakanya. "Nagtatanong lang ako kasi natatakot ako." pagtatapat ko pa.
Hindi naman ako ganun kababaw at ka immature para pigilan siya mag-grow at tuparin ang ang pangarap niya dahil lang sa ayaw kong malayo siya sa akin. Mahal ko si Archana and I'll always support her no matter what.
"Natatakot saan?" tanong niya at umayos ng upo para humarap sa akin.
"Na baka kapag umalis ka magbago ang lahat." sagot ko sakanya.
Walang kasiguraduhan sa mundo kaya nag-aalala ako sa mga pwedeng mangyari kung sakaling magkalayo kami.
"Well, there will come a time where we will be too busy pursuing our own dreams to have time for each other but always remember that I'll be there for you no matter what." nakikita ko sa mga mata niya ang pagiging seryoso habang sinasabi iyon.
"Do you think this will work?"
"We'll make it work."
"What if may mahanap ka na mas better kesa sa akin?"
"You're irreplaceable."
"What if mag-sawa ka na?"
"Not gonna happen."
"What if mawalan na tayo ng time sa isa't isa?"
"I'll always make sure that I have time for you."
"What if---" naputol ang sasabihin ko nang bigla ako nitong kabigin at halikan na siyang ikinagulat ko pero dahil malandi ako agad ko din namang tinugunan.
BINABASA MO ANG
Miss President ✔
FanfictionArchana Louisse Young - President of the Student Council. She is trusted by the Reed family to regulate Lauxshire University's policy. She is known for her coldness and attractiveness, qualities that made Zaniah like her and the reason why her fell...