Chapter 13

4.2K 184 8
                                    

Zaniah

"Ang bagal mo naman Zaniah, tara na kase inom na inom na ako oh." reklamo ni Cali habang naka-upo sa kama dito sa kwarto ko.

"Mag-hintay ka jan nakikita mong nag-aayos pa ko dito eh. Kung nagmamadali ka edi umalis ka mag-isa." ganting sagot ko naman habang inaayos ang suot ko dito sa CR kaya nagsisigawan din kami ni Cali.

Ewan ko kung bakit kailangan kasama pa ako eh hindi naman natuloy yung booth namin na yun kaya wala akong utang sakanya. Pero ang rason niya eh kahit daw hindi natuloy nag yes pa rin daw kaya wala nang bawian.

Naka-suot lang ako ng black bralette na pinatungan ko ng white long-sleeve at black denim shorts tsaka white shoes.

Ayokong mag-dress tinatamad ako mag-ayos eh tulad nga ng sinabi ko pinilit lang naman ako

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ayokong mag-dress tinatamad ako mag-ayos eh tulad nga ng sinabi ko pinilit lang naman ako. Si Cali naman ay naka-suot ng black lace-up bustier cropped tube at leather pants tsaka stilletos.

My bestfriend is smoking hot! Lemme tell you that.

"Huwag ka nang magpa-ganda, sa VIP room lang naman tayo wala kang madadali dun, KJ ka eh." pahabol pang wika niya.

"Sino bang may sabing may lalandiin ako dun? Duh, si Archana lang sapat na atsaka hindi talaga ako magpapaganda masyado baka kasi saken mapunta ang atensyon ng lahat dun edi kawawa ka." naka-ngising asar ko sakanya pagkalabas ko ng CR.

"Ang yabang mo. Bilisan mo na nga kanina pa naghihintay si Hunter dun baka ilang lalaki na nga nadali nun sa tagal mo eh." sabi nito at nauna nang maglakad palabas ng kwarto.

Nag-kita na rin sila ni Hunter, nag-tampo pa nga siya saaming dalawa dahil hindi ko raw sinabi sakanya na nandito si Hunter sa Pilipinas at hindi rin sinabi ni Hunter na umuwi siya.

Pagkababa ay naabutan namin sa sala si Mommy Reign na may ginagawa sa laptop niya.

"Hi Tita, kidnapin ko muna tong anak niyo ha ilalabas ko lang sa lungga niya." bati ni Cali pagkababa niya at lumapit kay Mommy para magpa-alam.

"Ingatan mo yang si Zaniah, Cali ha ako ang malalagot sa Mama niyan pag may nangyaring masama jan." habilin naman ni Mommy kay Cali.

Nasa business trip kasi si Mama kaya 1 week siyang wala. Nakapag-paalam na din naman ako sakanya thru call, ayaw pa nga sana niyang pumayag nung sinabi ko na sa bar yung punta ko kaso kinausap din siya ni Cali at sinabing sa VIP room naman daw kami kaya magiging safe ako.

"Yes tita, akong bahala. Una na po kami Tita, goodnight po." sagot naman ni Cali at humalik sa pisngi ni Mommy at ganun din ang ginawa ko.

"Zaniah, behave ha. Huwag kang masyadong iinom." pasigaw na paalala ulit ni Mommy bago pa kami makalabas ng pinto.

"Hindi ako iinom, Mommy. Sasamahan ko lang tong si Cali kaya don't worry okay? Bye, I love you!" medyo pasigaw na sagot ko din para marinig ni Mommy at lumabas na ng pinto.

Miss President ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon